***originally published in the November Issue of Pinoy Gazette
Also published on Pinoy Gazette`s official blog: pinoygazetteofficial.blogspot.jp
Kuha mula sa Official Facebook Page ng Japan Content Showcase 2014 |
Napansin
niyo ba kung bakit mas maraming mga dramang mula Korea ang naipapalabas sa
Pilipinas kaysa sa mga dramang Hapon? Nakakatawa naman ang mga dramang Hapon,
mas maiikli kaya mas madaling subaybayan at hindi naman kumplikado ang mga
kwento, pero bakit hindi ito karaniwang binibili ng mga local networks samantalang
ang mga anime naman ay namamayagpag sa local channels?
Siyempre,
isa sa pinakamahalagang bahagi ay ang negosasyon sa pagitan ng mga kumpanya: gaano
katagal ipapalabas ang isang drama sa Pilipinas, ano ang mga restrictions na
nakakabit sa pagbili ng rights nito, magkano ang presyo nito at mababawi ba ang
halagang ito kapag ipinalabas na ito sa
local channel?
Isa
ang Japan Content Showcase sa mga venue kung saan nagaganap ang mga ganitong
usapan.
Ang
Japan Content Showcase 2014 ay ginanap sa Hotel Grand Pacific Le Daiba kamakailan.
Ginaganap ito taun-taon upang tipunin ang mga content holders at buyers mula sa
iba’t ibang industriya tulad ng pelikula, musika,t elebisyon, animation at iba
pa. Dito ay nagkakarooon ang mga content holders/exhibitors ng pagkakataon na ibenta
ang kanilang mga produkto sa mga potensiyal na mamimili na mula pa sa iba’t ibang
bahagi ng mundo.
Ang Mga Nakibahagi
Ang
taong ito ang nagtala ng pinakamaraming exhibitors at buyers na dumayo pa ng
Japan para lang maging bahagi ng malaking pagtitipong ito. Record-breaking na
maituturing ang bilang ng mga sumuporta,
dumalo, nag-volunteer at naging bahagi ng event na ito sa iba’t ibang paraan. Sa
loob ng tatlong araw, nakibahagi ang 331 exhibitors mula sa 25 bansa; 1,158
buyers mula sa 39 bansa; at 18,000 katao. Marami sa mga exhibitors ay mula
Korea, Taiwan at Cambodia. Ito rin ang kauna-uanahang pagkakataon na may
lumahok mula sa Colombia, Cote d’Ivoire at Estonia.
Mapapansin
din ang unti-unting pagbubukas at paglawak ng merkado ng mga bansa mula sa Southeast
Asia tulad ng Cambodia, Thailand, Malaysia, Indonesia, Vietnam at Singapore na
hindi lamang bumibili ng content mula sa Japan ngunit nag-e-export na rin ng
sarili nilang gawa. Sa taong ito, tumaas ng 19% ang mga exhibitors mula sa
Southeast Asia. Wala mang malaking exhibitor na mula Pilipinas, mayroon namang
mga dumalong mga indibidwal na Pilipino na ipinadala ng kanilang mga kumpanya at
organisasyong kinabibilangan.
Mga Itinampok na Seminar
Hindi
lamang puro negosasyon sa bilihan ng content ang nagaganap sa Japan Content
Showcase, mayroon ding mga seminar na kapupulutan ng mga impormasyon tungkol sa
iba’t ibang industriya sa Asya. Ilan sa mga interesanteng seminar ay tumalakay
sa mga sumusunod na paksa:
·
Sa seminar na pinamagatang “Introducing Japanese
Music Overseas: Issues and Potentials,” pinag-usapan ang ilan sa mga matagumpay
na karanasan ng mga organizers sa pagma-market ng mga Japanese artists tulad ng
Xjapan, One OK Rock, Morning Musume at Hatsune Miku sa Amerika at Europa.
·
Sa “Initiatives for the Development of Content
Industry in Each Country and the Asian Region: Possible Cooperation in the
Asian Region,” tinalakay ang malaking potensyal ng co-production para sa mga
nais gumawa ng pelikula o animation sa tulong ng mga agencies o production houses
sa ibang bansa. Binanggit din ang posibilidad na makakuha ng mga subsidy sa mga
ahensyang pang-gobyerno kung makikipag-ugnayan sa kanila tungkol sa mga
proyektong nais gawin sa bansang iyon. Ang mga panelista ay nagmula sa
Thailand, Singapore, China, Japan at South Korea.
·
Sa “Southeast Asian Visual Contents: The Present
and Future in Film-TV Market” ipinaliwanag kung anong mga pelikula at TV show
ang popular sa Southeast Asia at kung saan posibleng tutungo ang mga trend na
ito sa mga susunod na taon.
·
Para naman sa mga gustong makipagtulungan sa mga
Japanese TV companies, ipinaliwanag sa “How to Find a Partner – Essential Tips
on Collaborating with the Japanese TV Industry” ang kasalukuyang kalagayan ng
industriyang ito. Nagbigay rin ang mga panelista ng mga suhestiyon kung paano makakapagbukas
ng pagkakataon para makipagtrabaho sa mga ito. Nagbahagi rin sila ng mga
karanasan nila sa pakikipagtrabaho sa mga production houses mula sa ibang
bansa.
Iba pang Kaganapan
Kasabay
ng Japan Content Showcase 2014 ay ang Tokyo International Music Market kung
saan nagpakitang-gilas ang ilan sa mga bagong Japanese artists sa kanilang mga
live performances, at ang Tokyo International Film Festival na siyang nagtampok
sa mga pelikula mula sa iba’t ibang panig ng mundo kabilang na ang tatlong
entries mula sa Pilipinas.
Kasabay
nang mabilis na pagbabago sa kalidad at nilalaman ng mga pelikula, TV show at
musika mula sa Japan at sa iba pang bansa na pumapasok sa Pilipinas, mabilis
din na nagbabago ang impluwensiya ng bawat bansang nagbebenta at bumibili ng
kanilang mga content mula sa isa’t isa. Naging saksi ang Japan Content Showcase
2014 sa lumalaking bahagi ng Southeast Asian market sa malayang pagpapalitan ng
produkto at kultura sa bahaging ito ng Asya at siguradong patuloy pa itong
magiging saksi sa mga susunod pang taon.
No comments:
Post a Comment