***originally published in the October Issue of Pinoy Gazette
Also published on Pinoy Gazette`s official blog: pinoygazetteofficial.blogspot.jp
Para
akong pumasok sa isang kakaibang mundo noong una akong dumating sa Makuhari
Messe para sa pagbubukas ng Tokyo Game Show 2014 (TGS 2014). May mahigit 300
game developers, hindi lang mula sa Japan kung hindi pati na rin sa iba pang
panig ng mundo tulad ng Asya, Amerika at Europa, ang nagsama-sama para sa
pinakamalaking taunang pagtitipon ng mga game creators at game enthusiasts.
Mayroong
cosplayers, malalaking posters ng anime, matataas na gundam models at dragon
sculptures, at samu’t saring laro na maaaring subukan ng libre! Sa taong ito, ginanap
ang TGS noong Setyembre 18-21, kung saan ang unang dalawang araw ay inilaan
para sa mga press at businessmen at ang huling dalawang araw ay para naman sa
publiko. Sa loob ng apat na araw ay dinaluhan ito ng mahigit sa 250,000 tao.
Sa
TGS makikita ang iba’t ibang games mula sa mga pambatang laro tulad ng Doraemon
at Cooking Mama, mga Role-Playing Games (RPG) tulad ng Final Fantasy, arcade games
tulad ng Dragon Ball Z, virtual reality tulad ng Oculas at romance simulation
games tulad ng Animal Boyfriend.
Ang
tema ng TGS sa taong ito ay “Changing Games: The Transformation of Fun.” Base
sa malawak na selection ng mga laro na itinampok sa TGS, mula sa mga classic
arcade games na ngangailangan pa ng game controllers hanggang sa makabagong
virtual reality games na kayang madetect ang body movements ng manlalaro, tunay
ngang makikita kung paano sa panahaong ito ay malaki na ang ipinagbago ng
teknolokiya sa paggawa ng mga laro at kung paano rin nagbago ang pagtanggap ng
mga naglalaro sa mga ito.
Ang Mga Makabagong Laro
Sa
dami ng mga magaganda at kakaibang laro na maaaring subukan sa TGS, mahirap
pumili kung ano ang uunahin kaya naman pinagsama-sama ng TGS sa isang partikular
na lugar ang mga exhibitors na may magkakaparehong uri ng laro.
General Exhibition Area. Dito makikita
ang karamihan sa mga video game software at digital entertainment products
tulad ng Bandai Namco, Capcom at Sony Computer Entertainment.
Smartphone Games / Social Games Area.
Dito makikita kung anong mga bagong laro ang maaaring idownload sa mga smartphones at tablets (ios man o
android) tulad ng mga gawa ng QUBIT Games at 7Quark.
Family Area. Dito makikita ang mga
larong pambata na gawa ng SEGA, Happymeal at Cooking Mama. Tanging mga
elementary students at kanilang mga kasama lamang ang maaaring pumasok sa area
na ito.
Game Device Area. Ang mga laro na
kinakailangan ng device o game console tulad ng PC, controllers at keyboards ay
matatagpuan sa bahaging ito. Ilan sa exhibitors dito ay DXRACER, Logicool G at
Aver Media Technologies.
Game School Area. Dito ipinapakilala
ang mga video game schools, universities at distance learning institutes para
sa mga interesadong mag-aral ng game developing tulad ng Osaka Designers’
College, Tokyo Design Technology Center, Tokyo Designer Gakuin College, Tokyo
University of Information Sciences, at Arts College Yokohama.
Romance Simulation Game Area. Dito
ipinapakilala ang mga romance games para sa kababaihan kung saan maaari silang
magkaroon ng virtual boyfriend o maglaro ng mga drama game series. Mayroon din
na photobooth kung saan maaaring magpa-picture ang mga kababaihan kasama ang
mga lalaking naka-suit at tie bilang bahagi ng promotional strategies ng mga
kumpanya. Ilan sa mga exhibitors dito ang Ambition, R-Infinity, Sunsoft at
Voltage.
Indie Game Area. Kung mga original
games na gawa ng mga independent game developers naman ang hanap mo, dito iyon
matatagpuan sa bahaging ito. Itinatampok sa area na ito ang ilan sa mga game
platforms na sumikat sa buong mundo tulad ng mga gawa ng Archive Entertainment,
Bertram Fiddle, Chorus Worldwide Limited at Gemdrops.
PC Game Area. Dito makikita lahat ng
laro na may kaugnayan sa paggamit ng PC. Maaari rin na magpa-install ng mga
bagong laro rito.
Merchandise Sales Area. Kung souvenirs
naman ang hanap mo, dito makakabili ng mga cute na bagay tulad ng mga keychain,
towels, t-shirts, at iba pang gamit na may mukha ng mga kilalang game characters.
Asia New Stars. Sa bahaging ito
matatagpuan ang booth ng mga bagong kumpanya mula sa Brunei, Cambodia,
Malaysia, Indonesia, Laos, Singapore, Myanmar, Thailand, Vietnam at siyempre sa
Pilipinas, na nagsisimula pa lamang pumasok sa mainstream game industry.
Ang Pakikibahagi ng mga Pinoy
Bahagi
ng promotion ng TGS ang pakikipag-ugnayan nila sa sa mga ahensyang pang-gobyerno
ng ibang bansa lalo na sa Southeast Asia para maipakita ang gawa ng mga
umuusbong na game developers mula sa ibang bansa. Kasama ang Pilipinas sa 10
bansa mula sa Asya na nagtampok ng kanilang mga bagong gawang games.
Mayroong
pitong independent game developers ang mula sa Pilipinas. Sila ang Funguy Studio,
Pointwest Technologies, The Studio of Secret 6, Toon City (Morph Animation),
Top Peg Animation & Creative Studio, TeamApp/ Holy Cow Animanation at White
Widget.
Japan Game Awards 2014
Sa
pagtatapos ng unang araw ng TGS, pinarangalan din ang ilang mga developers ng
mga larong nagkaroon ng matinding kontribusyon sa game industry noong nakaraang
taon. Ilan sa kanila ay ang:
Grand Award -- Nag-tie ang Monster
Hunter IV at YO-Kai Watch para sa pinakaprestihiyosong award sa taong ito dahil
ang parehas na laro ay nagbigay ng malaking kontribusyon sa game industry noong
nakaraang taon.
Global Award (Japanese Product) -- Iginawad
sa Pokemon X at Pokemon Y na ni-release sa pitong iba’t-ibang lengwahe.
Global Award (Foreign Product) – Nakuha
ng Grand Theft Auto V na nakabenta ng 5 million units sa buong mundo.
Best Sales Award – Pokemon X at Pokemon
Y na siyang nagbigay ng pinakamalaking revenue sa Japanese Market. Mula January
2013 ay nakabenta na ito ng 12.26 milyong unit. Malaki pa rin ang impluwensiya
ng Pokemon Games sa industriya 18 taon na ang nakakalipas mula ng una itong lumabas
noong 1996.
Game Designers Award -- Brothers: A
Tale of Two Sons, isang larong tunay na pinag-isipan kung saan mayroong
dalawang magkapatid na maaaring gamitin sa laro ng sabay.
Award for Excellence – Kan Colle, The
Last of Us, YO-Kai Watch, A Realm Reborn – Final Fantasy XIV, Moster Hunter IV,
Grant Theft Auto V, Pokemon X at Pokemon Y, Mario 3D world, Puzzle and Dragons
Z, Dark Souls II, at Metal Gear Solid V.
Maraming kakaibang laro sa Tokyo Game Show na kahit mga hindi gamers na tulad ko ay matutuwang subukan. Sa susunod na taon ay gaganapin ang TGS 2015 sa September 17-20 sa Makuhari Messe, kaya huwag na itong palalampasin!
No comments:
Post a Comment