Live to love, Love to live.
Visit Hakone and view Mt. Fuji without going too far from Tokyo.
Bright lights, a ferris wheel ride and a night cruise around the bay will never fail to make you fall in love with this city over and over again.
Go on a sunset cruise, sit back, relax and marvel at the beauty of the clouds.
It's not only a place to ring bells for good luck, it's also rich in culture and history.
Sea food lunch by the bay and a close encounter with amazing sea creatures are great ways to break away from the busy metropolis.
Next
Previous
Showing posts with label things to do in japan. Show all posts
Showing posts with label things to do in japan. Show all posts
Wednesday, April 15, 2015
Tuesday, February 4, 2014
Hakone: An Unexpected Winter Wonderland
***originally published in the January Issue of Pinoy Gazette
Also published on Pinoy Gazette`s official blog: pinoygazetteofficial.blogspot.jp
![]() |
| View of Mt Fuji from Hakone |
“Snow ba ‘yon?” Tanong ko sa kaibigan ko
habang parehas kaming nakasilip sa bintana ng cable car sa Hakone, isang bayan
sa Kanagawa prefecture. Akala ko noong una, mga maliliit na puting dahon lang
sila na nalaglag sa mga natitirang damo sa gilid ng riles ng tren.
Pero habang papaakyat kami sa bundok, dumarami at kumakapal ang mga puting sapin sa kalsada. “Ah, snow nga.” Bulong ko sa sarili, sabay ngiti.
Pero habang papaakyat kami sa bundok, dumarami at kumakapal ang mga puting sapin sa kalsada. “Ah, snow nga.” Bulong ko sa sarili, sabay ngiti.
Para
sa isang laking Pilipinas, “magical” ang makakita ng snow. Napapanood mo lang
dati ‘yon sa pelikula pero hindi mo nararamdaman kung gaano sila kalamig at
hindi mo nahahawakan kung gaano sila kapino. Nakakatuwa rin na tumambad sa amin
sa Hakone ang isang hindi inaasahang “winter wonderland” na may magandang
tanawin ng Mt. Fuji, Lake Ashi at iba’t ibang shrine na mayaman sa kasaysayan!
Hakone Ropeway
Para
makatipid, bumili kami ng Hakone Free Pass sa may Odakyu Line sa Shinjuku
station na nagkakahalaga ng ¥5,000 at maaaring magamit ng dalawang araw kung
mag-stay ng overnight sa Hakone.
May
additional na JPY850 kung sa Odakyu Limited Express Romance car sasakay at mas
mainam kung may reservation. Mas kumportable ang upuan dito at mas mabilis ang
byahe na tatagal lamang ng 85 minuto dahil diretso na ito hanggang Hakone.
Kung
gamit ang ordinaryong trains, tulad ng ginawa namin na masasabi kong maginhawa naman,
may minsanang transfer lang sa Odawara Station bago makarating mismo sa Hakone.
Kasama na rin sa pass ang unlimited na gamit sa mga bus at train lines sa
Hakone pati na ang boat cruise at ropeway na magdadala sa’yo sa iba’t ibang
magagandang sights dito.
Pagdating
namin sa Hakone ay sinubukan agad naming sumakay sa Hakone Ropeway na nagdala
sa amin sa tuktok ng bundok. May magandang view dito ng Mt. Fuji na hindi
matatawaran. Kitang-kita ang puting-puti snow caps ng Mt. Fuji na dati ay
nakikita ko lang sa mga postcard.
Nadaanan
din namin ang Owakudani, isang volcanic valley, na nagbubuga ng sulfur kaya
makikita na umuusok ito. Maaari ring masubukan dito ang isang local delicacy,
ang kuro tamago o black egg, isang hardboiled
na itlog na niluto sa hotsprings ng Owakudani. Sinasabing nakakapagpahaba raw
ng buhay ng pitong taon ang pagkain nito.
Hakone Sightseeing Cruise
Isang
hindi matatawarang experience sa Hakone ang pagsakay sa Hakone Sightseeing
Cruise na siyang naglibot sa amin sa Lake Ashi. Makaluma ang disenyo ng barko na
tila isang replika ng barkong pampirata. Malamig ang simoy ng hangin sa
observation deck pero sulit na tiisin ang lamig sa ganda ng tanawin. Mga
namumuting bundok ang nakapalibot sa malinaw na lawa at makikita sa pampang ang
iba’t ibang shrine, templo at ilang mga naglalakihang hotel.
Japanese Food Fiesta
Pagkatapos
ng cruise sa Lake Ashi, kumain kami sa isang restaurant malapit sa port area. Restaurant
Torarato ang pangalang nakalagay sa labas nito. Medyo old-fashioned ang design
ng restaurant pero masarap ang pagkain. Nagkakahalaga ng ¥1,500 pataas ang set
meal at ¥700 pataas naman ang mga noodles. Umorder ako ng pork with ginger na
may kasamang rice, salad at miso soup. Hindi ako nagsisi dahil masarap at
malaki ang serving ng pagkain dito.
Hakone Shrine
Sumaglit
din kami sa Hakone Shrine, isang historical site. Sinasabing minsang nanalangin
dito si Minamoto no Yoritomo matapos siyang magapi sa labanan sa Ishibashiyama.
Siya ang unang shogun, noong Kamakura Shogunate at naghari mula 1192 hanggang
1199. Ang shrine na ito ay minsan na ring sinunog ni Toyotomi Hideyoshi, isang heneral
na naging susi para maitatag ang Tokugawa Shogunate, noong nagkaroon ng labanan
sa Odawara at siyang muling ipinagawa at ipinaayos ni Tokugawa Ieyasu, ang
unang shogun noong Tokugawa Shogunate na nagsimula noong 1603.
Marami pang ibang interesting na lugar na mapupuntahan sa Hakone tulad ng Odawara Castle, Hakone Open Air Museum, Hakone Check Point, Hakone Detached Palace Garden at marami pang iba. Hindi mauubusan ang Hakone ng mga bagay na magpapamangha sa’yo sa winter man o sa kahit anong season ng taon. Hindi sapat ang isang araw para libutin ang lahat ng ito kaya marami pang dahilan para bumalik at ulit-ulitin ang adventure na ito!
Subscribe to:
Posts (Atom)
Translate
About the Author
- imcapitalbarbie
- Tokyo, Japan
- I am living my dreams everyday in my overlapping world of fantasy and reality; in love with tokyo and will forever be in love with the tokyo tower, discovered my new love for the sun, the sand and the waves; love pedestrian lanes and enjoy crossing them; treasure old photographs and memories; want to learn how to play the violin; always challenge myself to try new things; dream of publishing a book; adore taking photos of clouds; want to work for the greater good of humanity; hope to inspire others with my simple stories; recede in my own world when I listen to jazz; scared to ride a ferris wheel but in love with the idea of riding it; daydream as often as I breathe; live a life of traveling, dreaming, believing. Love to live, Live to love.
Popular Posts
-
A Forrest Full of Charm: A Review of the First Ever Stage Adaptation of Forrest Gump
-
China House Keikarou: Aiba Mama's Restaurant
-
Mga Kwentong Katatakutan sa Japan
-
In the Footsteps of Haruki Murakami: The Old Blind Cat
-
A Peek Inside Japan’s Center of Power: The National Diet Building
-
Living in Haruki Murakami's World: Walking Tour in Shinjuku
-
Finding English Books in Jimbocho
-
Exploring Gifu Castle
-
Blood Ceilings at Genkoan Temple
-
Ghibli Great Exhibition: from NausicaƤ to The Red Turtle
Categories
travels
(54)
travelsjapan
(48)
everydaytokyo
(32)
randomthoughts
(24)
idiosyncracies
(21)
food
(17)
restaurants
(16)
japantravels
(11)
Cafes
(10)
japan
(10)
japan travels
(9)
travelstokyo
(9)
tokyotravels
(8)
Japanese Government Scholarship
(6)
asia travels
(6)
scholarships abroad
(6)
study in Japan
(6)
saitama
(5)
Monbukagakusho
(4)
Monbusho
(4)
how to get a scholarship
(4)
how to study in Japan
(4)
study abroad
(4)
Government of Japan
(3)
kanagawa
(3)
Arashi
(2)
Japan Winter
(2)
Yomiuri Giants
(2)
tokyo travels
(2)
waseda university
(2)
monbukagakusho study ajavascript:void(0);broad
(1)
tokyo tower
(1)






