Next
Previous

Wednesday, October 21, 2015

Behind the Walls: Tuklasin ang Loob ng Kremlin


***Published in the October Issue of Pinoy Gazette
 
              Malayo pa lang ay matatanaw mo na ang matataas at matutulis na mga tore ng Moscow Kremlin, mas kilala sa tawag na Kremlin. Hindi ka magkakamali dahil agaw sa pansin ang mga ito, idagdag mo pa ang matingkad na pulang pader na nakapaligid dito na gawa sa maliliit na bricks na marahang pinagdikit-dikit. Ito ang pinakakilala sa lahat ng mga Kremlin sa Russia – “fortress in a city” kung ilarawan ang mga ito. Ano nga ba ang mayroon sa loob ng makakapal na pader ng Kremlin? Bakit ito sobrang kilala sa buong mundo?

Ang Moscow Kremlin
Ito ang sentro ng politika, kultura at relihiyon sa Russia. Matatagpuan ito sa gitna ng Moscow at napapaligiran ng iba pang makasaysayan at magagandang tanawin. Ang Moskva River ay matatanaw sa Timog nito, Saint Basil’s Cathedral at Red Square naman sa Silangan, at sa Kanluran naman ang Alexander Garden. Sa loob nito matatagpuan ang ilang cathedral na itinayo mahigit sa 500 taon na ang nakakalipas. Mayroon ding mga museo na nagtataglay ng pinakamahalagang mga kayamanan ng bansa. Mula 1991, sa loob na rin ng Kremlin itinalaga ang opisyal na tirahan ng pangulo ng Russian Federation. Noong 2013, nagpagawa si President Vladimir Putin ng helipad sa loob ng Kremlin upang mas madali siyang makalabas-masok sa kanyang tahanan at magampanan ang kanyang mga tungkulin.

Maikling Kasaysayan
              Unang itinatag ang Kremlin noong 1150s. Hindi pa ito gaanong kamukha ng Kremlin na nakikita natin ngayon. Sa paglipas ng panahon at pagpapalit ng mga pinuno ng bansa, unti-unting itong lumaki at lumawak. Ang pinakamagarbong pagpapagawa dito ay naganap noong 1475-1516 sa ilalim ng pamumuno ni Ivan the Great. Ang kasalukuyang mga pader at tore ng Kremlin ay binuo noong 1485-1495 ng magagaling na mga artisan mula sa Italia. Mayroong lawak na 275,000 square meters ang buong area sa loob ng Kremlin at may kapal na 3.5 hanggang 6.5 meters ang pader nito. Noong una, mayroon lamang 17 tore ang Kremlin ngunit noong 16th century, nagpagawa pa ng tatlong dagdag na tore kaya naging 20 ito sa kasalukuyan. Isinara ang Kremlin sa publiko noong 1930s at muli lamang binuksan noong 1955, marami na rin kasing mga gusali dito ang giniba dahil sa sobrang luma na ng mga ito at malaking sira na ang natamo nito sa mahabang panahon. Ilan dito ay ang Ascension Nunnery at Chudov Monastery. Noong December 1990, isinama ng UNESCO ang Kremlin at Red Square sa listahan ng mga World Heritage Sites.

Mga Mahahalagang Gusali sa Loob ng Kremlin
·        Cathedral of the Annunciation. Natapos ito noong 1489 matapos magdesisyon si Prince Ivan III na ipagawa ito nang mapansin niya na malaki na ang naging sira nito mula nang una itong itayo. Dahil malapit ito sa palasyo, ginawa itong personal na chapel ni Ivan III (r. 14620-1505) kaya gumawa ng lagusan mula sa palasyo papunta sa cathedral. Sa kasamaang palad, nagtamo na naman ito ng malaking pinsala matapos itong masunog noong 1547. Noong una ay tatlo lamang ang dome ng cathedral, nang muli itong ipagawa nagdagdag pa ng ilan kaya naging siyam na ito sa kasalukuyan. Sa panahon naman ng pamumuno ni Ivan the Terrible (r. 1547-1584), dito nagsisimba, nagpapakasal at binibinyagan ang mga miyembro ng kanyang pamilya.
·        The Archangel’s Cathedral. Ayon sa popular na kwento, isang cathedral na gawa sa kahoy ang nakatayo dito noong 12th century bilang alay kay Archangel Michael. Nooong 1333, sa utos ni Ivan Kalita, giniba ang lumang cathedral at nagtayo ng bago bilang alaala sa lumipas na taggutom. Nabuo ang bagong cathedral noong 1508. Dito nakalagak ang mga labi ng ilang mga pinuno at dugong bughaw mula kay Ivan Kalita (r. 1325-41) hanggang kay Ivan V (r. 1682-96). Dito rin ginanap ang mga koronasyon, kasalan at libing ng mga dugong bughaw bago inilipat ni Peter the Great (r. 1721-1725) ang kabisera sa St. Petersburg.
·        Assumption Cathedral.  Hindi lamang ito mahalagang gusali kung saan ginaganap ang pangkaraniwang mga misa. Dito rin ginaganap ang mga inagurasyon at iba pang mahalagang ritual ng bansa. Ang mga mahahalagang dokumento ng bansa ay nakatago sa may altar. Ang disensyo ng cathedral ay ginawa ng pamosong Italian architect na si Aristotile Fioravanti. Ayon sa mga kwento, sobrang natuwa si Ivan the Great sa kinalabasang likha ni Fioravanti kaya noong nagpaalam siyang babalik na ng Italya ay ipinakulong siya sa halip na pauuwiin upang hindi na siya makagawa pa ng ibang obra maestra na kasing ganda ng cathedral na ito. 
·        The Armoury. Isa sa mga di dapat palagpasin ang pagbisita sa museong ito. Mayroon itong kamangha-manghang koleksyon ng mga kayamana ng Russia tulad ng mga gintong kagamitan, mga plato at kubyertos, mga regalo ng mga pinuno ng ibang bansa, mga tronong puno ng mga mamahaling bato, mga magagarbong karwahe at mga sandatang pandigma.

Sa loob ng Kremlin, hindi ka lamang mamamangha sa yaman at garbo ng lumang Russia. Marami ka ring matututunan tungkol sa kanilang kasaysayan tulad ng kung ano ang estilo ng pamumuhay nila noon, paano sila sumasamba, at anong klaseng mga pinuno mayroon sila noon. Sa likod pala ng makakapal na pader ng Kremlin, hindi lang kayamanan at garbo ang matatagpuan, mayroon ding mayamang kasaysayan at kaalaman na hindi basta matututunan kung hindi mo mararanasan.

Monday, September 7, 2015

Ang Catherine Palace sa St. Petersburg: Yaman at Kasaysayan ng Russia

***Originally published in the August Issue of Pinoy Gazette
Also published on Pinoy Gazette's official website: pinoygazetteofficial.blogspot.jp
 
catherine palace in spring

Sa labas pa lamang ng Catherine Palace ay makikita na ang mga poste at estatwang tubog sa ginto at ang malalawak na hardin na mayroong magagandang damo at puno na alagang-alaga sa dilig at tabas. Dinadayo pa ito sa Russia ng napakaraming turista taun-taon mula sa iba’t ibang panig ng mundo. Ano nga ba ang gandang taglay ng Catherine Palace?

Kasaysayan ng Catherine Palace
Ang Catherine Palace ay matatagpuan sa Tsarkoye Selo (Pushkin) na may layong 25 kilometro mula sa sentro ng St. Petersburg. Ipinangalan ang palasyo kay Catherine I, ang maybahay ni Peter the Great. Namuno ng bansa sa loob ng dalawang taon si Catherine I matapos pumanaw ang kanyang asawa. Ipinatayo ni Peter para kay Catherine I ang palasyo noong 1717 upang gawing tirahan tuwing panahon ng tag-init. Higit na pinaganda at pinatingkad ng kanilang anak na si Elizabeth I ang arkitektura at disenyo ng palasyo nang muli niya itong ipagawa sa apat na iba’t ibang arkitekto mula 1743.
           
Natapos ang palasyo noong 1756 sa pangunguna ni Bartholomeo Rastrelli, Chief Architect of the Imperial Court, na siyang inutusan para gawing kasing glamoroso ng Versailles ng Pransiya ang disensyo nito. Mayroong halos 100 kilogram ng ginto ang ginamit para itubog ang mga estatwa at poste sa labas pa lamang ng palasyo.

Ang Amber Room
Ang Amber Room ay isa sa pinakaglamorosong silid sa buong palasyo. Gawa ito sa 450 kilogram na Amber na nagmula pa sa Germany. Bukod sa Amber, mayroon din na magagarbong Ural at Caucasus gemstones ang mga dingding sa silid, mga salamin at mga inukit na estatwa ng bata at anghel na tubog sa ginto. Bago ang digmaan, ang Amber Room ay kilala sa tawag na “Eighth Wonder of the World.”
           
Nang makuha ng Germany ang Tsarkoye Selo noong 1941 sa gitna ng  Ikalawang Digmaang Pandaigdig, binaklas ng mga Germans ang Amber Room sa loob lamang ng 36 oras at agad na dinala sa Konigsberg Castle sa Germany. Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay hindi na malaman ang kinahitnan ng Amber Room. Sinasabing nasira ito noong atakihin ang Konigsberg Castle noong 1945.

Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig
Malaki ang naging sira ng Catherine Palace noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Halos walang natira sa magagandang silid nito. Naiwan na lamang na nakatayo ang façade ng palasyo. Hindi na rin makita ang mga labi ng Amber Room na tinangay sa Germany.
           
Isa sa mga major reconstruction na ginawa sa palasyo ay ang muling pagbuo ng Amber Room. Nagsimula itong gawin noong 1979 na tumagal ng mahigit 20 taon. May halos 40 Russian at German na mga eksperto sa paglilok at paghawak ng amber ang kinomisyon para sa sensitibong trabahong ito.
Gamit lamang ang mga lumang ginuhit at kinuhanan na larawan, sinikap ng mga eksperto na gayahin ng eksakto ang orihinal na Amber Room at ibalik ito sa dati nitong karangalan. Tinatayang mayroong 350 shades ng amber sa mga dingding nito ang sinikap na muling gawin.
           
Noong 2003 ay muling binuksan ang bagong Amber Room. Pinangunahan ito ni Russian President Vladimir Putin kasabay ng ika-300 selebrasyon ng pagkakatatag ng St. Petersburg. Ang reconstruction ng Amber Room ay tinatayang umabot sa 12 milyong dolyar.

Para sa mga Nais Pumunta
Bukas ang Catherine Palace araw-araw mula alas-10 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi. Siguraduhin lamang na darating doon bago mag-alas-5 dahil hindi na sila nagpapapasok pagkatapos nito. Sarado ito tuwing Martes at tuwing huling Lunes ng bawat buwan. Nagkakahalaga ang tiket nito ng humigit-kumulang ¥700 para sa mga matatanda at ¥400 para sa mga estudyante. Maaari rin na manghiram ng audio-guide sa Ingles na nagkakahalaga ng ¥300.
           
Mula sa St. Petersburg, maaaring magtren mula sa Vitebsky Railway Terminal o Kupchino Railway Station hanggang Tsarkoye Selo (Pushkin) Railway Station. Pagbaba dito ay maaari nang sumakay ng Bus 371, 372 o Minibus Taxi 371, 377, 382 papuntang Catherine Palace.
           
Ang palasyong ito ay nagpapakita hindi lamang ng pinansyal na yaman ng Russia kundi pati na rin ang yaman sa talento ng kanilang mga arkitekto at manggagawa na may kakayahang bumuo ng ganitong obra maestra. Ipinakita rin nito ang mayamang kasaysayan ng Russia ilang daang taon na ang nakararaan hanggang sa mga pakikipagsapalaran nito noong Ikalawang Digmaang dasigdig.

Tuesday, August 25, 2015

Anong Meron sa Nagoya?

“Anong mayroon sa Nagoya?”
Ito ang pinakamadalas kong naririnig na tanong mula sa ibang tao kapag napag-uusapan ang Nagoya. Hindi raw gaanong nalalayo ang Nagoya sa Tokyo dahil parehas silang malalaking siyudad na maraming tao at matataas na gusali. Ang Nagoya, kapital ng Aichi, ang pinakamalaking siyudad sa rehiyon ng Chubu at nagtataglay ng isa sa pinakaabalang pier sa buong bansa.
Mayroong mahigit dalawang milyong tao ang naninirahan dito. Laban sa karaniwang impresyon ng mga tao na isang pangkaraniwang siyudad lamang ang Nagoya, malaki pala ang naging bahagi nito sa kasaysayan ng Japan at maraming lugar dito ang sulit bisitahin.
Bahagi ng Kasaysayan
           
Malaki ang naging bahagi ng Nagoya sa kasaysayan ng Japan lalo na noong panahon ng Tokugawa. Naging isa ito sa sentro ng kapangyarihan noong panahon na yun dahil dito nanirahan ang mga miyembro ng Owari Tokugawa, ang pinakamalaki at kilalang pamilya na nagmula sa angkan ng Tokugawa. Noong 1616, inilapat ni Tokugawa Ieyasu ang kapital mula sa probinsya ng Owari sa Nagoya. Iniutos niya ang pagtatag ng Nagoya Castle kasabay ang paglipat ng mahigit 60,000 tao mula sa lumang kapital.  
Mga Pasyalan
Nagoya Castle. Ipinagawa ang palasyong ito sa utos ni Tokugawa Ieyasu at natapos noong 1616. Itinatag ito upang pakasin ang kanilang puwersa sa bahaging ito ng bansa – isang magandang lokasyon na malapit sa Tokdaido Road na nagdurugtong sa Tokyo at Kyoto.
Sa loob ng mahabang panahon ay tinirahan ang palasyo ng mga miyembro ng pamilya ng Owari Tokugawa, isa sa tatlong pinakaprominenteng pamilya na nagmula sa angkan ng Tokugawa. Ang pinakakilalang simbolo ng palasyo ay ang “kinshachi,” isang ginintuang isda na may katawan ng karpa at ulo na tigre na isang kilalang imahe sa mitolohiyang Hapon. Sa tuktok ng palasyo ay makikita ang ilang kinshashi na simbolo ng kapangyarihan ng kanilang pinuno.
           
Nagoya Port Area. Isa ito sa pinakamalalaking pier sa buong Japan. Hindi lamang magandang tanawin ng dagat at mga naglalakihang barko ang matatagpuan dito. Narito rin ang Port of Nagoya Public Aquarium kung saan makikita ang iba`t ibang uri ng hayop pantubig.
Mayroon din na nagaganap na tatlong dolphin shows bawat araw at feeding at training shows na tiyak na kagigiliwan ng buong pamilya lalo na ng mga bata. Makikita rin na nakadaong sa pier ang “Icebreaker Fuji,” isang malaking kahel na barko na ginamit ng Japan sa pag-aaral at pagtuklas sa Karagatang Antartiko mula 1960s hanggang 1980s.
Sa kasalukuyan ay isa na itong museo na bukas para sa mga nais makita ang loob nito. Sa tabi ng barko ay matatagpuan ang Nagoya Port Building kung saan maaaaring umakyat ang mga nais makakaita ng 360 view ng paligid ng pier.
           
Toyota Factory and Museum. Sa Toyota, isang siyudad sa silangan ng Nagoya, matatagpuan ang headquarters ng pinakamalaking kumpanya ng kotse sa Japan na mayroong parehong pangalan. Ang Toyota Kaikan Museum kung saan makikita ang mga lumang modelo ng kotse na kanilang nagawa at mga bagong teknolohiya na kanilang natuklsan.
Paminsan-minsan ay nagkakaroon din sila ng mga robot shows na maaaring panoorin ng mga bisita. Isa sa mga karaniwang dinarayo rito ay ang libreng tour sa loob ng planta ng Toyota. Libre ang tour ngunit kailangang magpareserve online para masigurado ang slot.
Bukod dito, mayroon din silang Toyota Techno Museum na siya namang nagpapakita ng mahabang kasaysayan ng kumpanya ng Toyota at ang kanilang paraan ng paggawa ng sasakyan. Sa Toyoto Automobile Museum naman makikita ang iba’t ibang uri ng  kotse mula Japan, Amerika at Europe mula 1800s hangang 1960s.
Mga Kaganapan
Nagoya Castle Summer Night Festival. Nagaganap ito tuwing summer sa loob ng 13 araw. Sa labas ng palasyo ay mayroong iba’t ibang mga stalls ng pagkain at mga tradisyonal na laro tulad ng archery. Mayroon din na mga musical performances at “bon odori.” Kadalasang ginaganap ito tuwing kalagitnaan ng Agosto. Nagsisimula ito ng alas-5 ng hapon at natatapos ng alas-9.
Fireworks Festivals. Kilala rin ang Nagoya sa bonggang mga fireworks display tuwing summer. Ilan sa mga kilalang festival na ‘di dapat palampasin ay ang Okazaki Fireworks Festival na nagaganap malaait sa Okazaki Castle sa unang linggo ng Agosto sa loob ng tatlong araw. Sa unang araw ay mayroong bon odori kung saan pwedeng makilahok ang kahit na sinong may nais, ang pangalawanag araw naman ay para sa pagpaparada ng “mikoshi” at ang huling araw naman ay nakalaaan para sa fireworks display.
Korakei Momiji Matsuri. Tuwing Autumn naman, isang magandang lugar kung saan maaaring makita ang “koyo” ay sa Korankei Valley sa may Toyota City. Kilala ang Taigetsukyo Bridge na puntahan ng mga taong nais makita ang mga dahong nagpapalit ng kulay.
Maaaring maglakad sa may tabi ng ilog papuntang Mt. Iimori kung saan makikita ang Kojakuji Temple. Sa panahon ng “matsuri,” mayroong iba’t ibang kaganapan tulad ng tea ceremony, musical performances at mga exhibitions. Tuwing Nobyembre pinakamagandang pumunta sa lugar na ito.
           
Mga Pagkain
Hindi rin magpapahuli ang Nagoya sa masasarap na pagkain na popular hindi lamang sa mga taga-roon kung hindi pati na rin sa mga turista.
Hitsumabushi. Isa sa mga pinakakilalang pagkain sa Nagoya ang “unagi” o eel. May kamahalan ito ngunit sulit naman ang sariwang unagi na ihahain sa ibabaw ng mainit na kanin kasama ang iba’t ibang pampalasa at sabaw na maaaring ihalo rito.  
Tebasaki. Gawa ito sa pakpak ng manok na ibinabad sa matamis na sauce na mayroong sesame seeds.
Kishimen. Isa itong uri ng “udon” na maaari itong kainin ng mainit o malamig at isinasawsaw sa sabaw na timplado ng iba`t ibang pampalasa.
Toriwasa. Sashimi na gawa sa Nagoya Kochin, isang cross-bred na manok mula sa Nagoya Chicken at Cochin.
Uiro. Isang uri ng dumpling na gawa sa pinaghalong harina at asukal.

Sa susunod na may marinig akong magtanong ng “Anong mayroon sa Nagoya?” Alam ko na ang isasagot ko, marami palang itong magagandang pasyalan at masasarap na pagkain na sosorpresea sa mga bibisita rito.

Thursday, May 7, 2015

Lagalag sa Moscow: Ang Palibot ng Patriarch's Pond


***originally published in the May issue of Pinoy Gazette
Also published on Pinoy Gazette's official blog: pinoygazetteofficial.blogspot.jp


places to visit in moscow
Patriarch's Pond sa Moscow, Russia

Isang bansang napakayaman sa kasaysayan ang Russia. Makikita ito sa kanilang naglalakihang mga palasyo, nagkalat na mga museum at teatro, mga estatwa ng mga kilalang tao sa bawat kanto at sulok ng siyudad, mga gusaling kulay pastel na gawa sa solid na bato, mga cobbled streets at maging sa pananaw ng mga taong nakatira rito. 



Marahil ang Red Square, kung saan matatagpuan ang St. Basil’s Cathedral, at Kremlin, kung saan nakalagak ang labi ng makapangyarihang soviet leader na si Lenin, ang pinakakilalang mga lugar sa Moscow na dinadagsa ng milyun-milyong turista bawat taon. Pero bukod sa mga ito, marami pang ibang lugar na dapat bisitahin sa Moscow. Isa na rito ang Patriarch’s Pond o Patriyarshiya Prudy. Isa itong malaking pond sa gitna ng isang high-end residential area kung saan maraming mga kilalang tao ang nanirahan. Sa kasalukuyan, mayroon na lamang isang malaking pond na natira rito pero sinasabing may iba pang pond sa lugar na ito mahigit na 200 taon na ang nakakalipas. 



Mainam puntahan ito ng mga taong mahilig mag-relax at maglakad-lakad sa mga parke, mga taong mahilig sa kasaysayan at pati na rin ng mga taong mahilig kumain!



Ang Patriarch's Pond ay matatagpuan sa Malaya Bronnaya Utilisa at maaaring marating gamit ang Mayakovsky o Tverskaya Metro station. Mayroong isang malaking pond na napapaligiran ng mga puno at mga kahoy na bangko kung saan maaaring magpahinga at masdan ang ganda ng kalikasan. May malapit din na playground dito kung saan maaaring maglaro ang mga kasamang bata. Tuwing winter naman ay ginagawa itong ice skating rink. Sa lugar na ito naka-set ang unang kabanata ng nobelang “Master and Margarita” na isinulat ng kilalang manunulat na si Mikhail Bulgakov.



Sa paligid ng Patriarch's Pond



Sa isang gilid ng pond matatagpuan ang Cafe Margarita. Maaaring magbasa ng libro sa mga upuan sa labas ng cafe o ‘di kaya naman ay makinig sa live jazz, folk at acoustic music sa gabi. 



Ang bahay ni Anton Chekhov ay matatagpuan sa ‘di kalayuan. Ginawa ng museum ang bahay na ito na nagbukas sa publiko noong Abril 25, 1912. Nagkakahalaga ng 250 rubles ang entrance rito at maaaring kumuha ng litrato sa loob ng bahay kung magdaragdag ng 100 rubles. 



Si Chekhov ang isa sa pinakakilalang kwentisya at mandudula sa Russia. Nabuhay siya mula 1860-1904. Ilan sa kanyang mga kilalang likha ay ang “The Cherry Orchard,” “Uncle Vanya,” “The Seagull” at “The Three Sisters.” Tumira si Chekhov sa bahay na ito mula 1886 hanggang 1890 kasama ang kanyang ina na si Yevgenya Yakolevna at mga kapatid na sina Maria at Mikhail. Sa study room ng bahay na ito siya tumatanggap ng mga bisita kabilang na ang kilalang kompositor na si Pyotr Tchaikovaky.



Marami rin na ibang mga manunulat at pintor ang tumira sa lugar na ito. Sa ‘di kalayuan ay matatagpuan ang apartment unit na tinirhan ni Mikhail Bulgakov, isang nobelista at mandudula na nagpasikat sa mga akdang “Master and Margarita” at “Heart of a Dog.” Nabuhay siya noong 1891-1940. Tumira si Bulgakov dito noong 1921-1924 kasama ang kanyang unang asawa na si Tatyana Nikolaevna Lappa.



Binuksan sa publiko ang bahay na ito noong 2007. Katabi  lamang nito ang isa pang museum ni Bulgakov kung saan naka-display ang ilan sa kanyang mga personal na kagamitan. Libre ang museum at may bayad naman ang pagbisita sa bahay ni Bulgakov. Nasa ikaapat na palapag ng gusali ang apartment ni Bulgakov pero bago makarating dito ay madadaanan muna ang makukulay na graffiti na iginuhit ng mga tagahanga ni Bulgakov sa dingding ng gusali. 



Food trip



Kung magutom dahil sa pag-iikot sa lugar, maaaring mananghalian sa Mari Vanna. Napaka-homey ng ambience ng restaurant na ito. Mukha  itong tipikal na bahay  noong 18th century. May mga puting bookshelves sa paligid nito, mga lumang libro at picture frames na inaayos upang magmukhang nasa bahay talaga ang mga kumakain dito. Mayroon din cute na cute na gray na pusa na palakad-lakad sa loob ng restaurant na minsan ay nakikipaglaro sa mga kumakain dito. Russian food ang specialty ng lugar na ito. Huwag palagpasing hindi matikman ang Pirozhki at kompote. Nagkakahaga ng 400-700 rubles ang isang putahe rito.



Para naman sa dessert, subukan ang malahiganteng serving ng Brownie Chocolate Cafe na walking-distance lang din mula sa pond. Maraming iba't ibang flavor ng cake rito tulad ng Brownie Love, cake na gawa sa pinagpatung-patong na brownies at binudburan ng berries sa ibabaw; Titan Berry, chocolate cake na mayroong ding mga strawberries at blueberries sa ibabaw; Titan Nuts, chocolate cake na pinalibutan ng pecan nuts; pistachio, matingkad na kulay green ang kulay nito at malalasahan talaga ang maliliit na piraso ng pistachio sa bawat kagat, at siyempre ang Franklin cheesecake na mayroong mga brownies na nakapatong sa ibabaw nito na nilagyan ng white chocolate at caramel. Nagkakahalaga ng 450 rubles ang isang slice ng cake. Maaari itong ternohan ng double espresso o earl gray tea.



Kung napagod sa pag-iikot, sulit na maghapunan sa Cafe Pushkin, isang high-end restaurant na parang mansyon noong 20th century ang pagkakaayos ng loob. Nagkakahalaga ng 890-8,500 rubles ang bawat putahe. Kilala itong puntahan ng mga businessman, diplomats, expats at siyempre mga turista. Ang unang palapag nito ay parang 19th century drugstore, sa ikalawang palapag naman matatagpuan ang library room at ang ikatlong palapag naman ay ang entresol. Mayroon din itong summer terrace sa may bubong ng restaurant. 



Malaki ang Russia, maraming lugar ang masarap tuklasin, makulay ang kanilang pinagdaanan bilang isang bansa. Hindi dapat palagpasin ang pagkakataong masilip ang kasaysayang ito sa bahaging ito ng Moscow.

Thursday, April 30, 2015

The Beatles Girl and the Nowhere Man


Characters:

Beatles Girl, early 20s, student

Nowhere Man, 30s to 40s, low-skilled worker

THE STORY IS SET IN A SMALL ROOM IN A LOCAL TOWN LIBRARY WHERE OLD VINYL RECORDS, VIDEO TAPES AND CDs ARE ARCHIVED FOR PEOPLE WHO WANT TO BORROW THEM AND TAKE THEM HOME. THERE ARE ALSO SOME VINYL PLAYERS AND VIDEO PLAYERS FOR THOSE WHO WANT TO WATCH OR LISTEN TO CERTAIN MATERIALS ON THE SPOT. 

A GIRL ENTERS THE ROOM HOLDING AN OLD VINYL RECORD. SHE GOES STRAIGHT TO HER FAVORITE BOOTH, GENTLY PUTS THE VINYL RECORD ON THE PLAYER, WEARS THE HEAD PHONES AND PUTS THE PIN DOWN. THE BEATLES’ SONG “NOWHERE MAN” STARTS PLAYING. 

AFTER A FEW SECONDS, THE GIRL BECOMES UNEASY. SHE STARTS LOOKING AROUND AS IF WAITING FOR SOMEBODY TO COME IN. THE VOLUME OF THE MUSIC GRADUALLY TURNS DOWN.

Beatles Girl: (STARTS THINKING ALOUD BUT IT APPEARS LIKE SHE’S TALKING TO 
THE AUDIENCE) Yesterday, I was here too, in my favorite section of the local library, sitting exactly where I am now. I came in like the way I did today and went straight to my favorite booth. I was in the mood to listen to “Nowhere Man” but I couldn’t find the album “Rubber Soul” on the racks no matter how many times I went through the Beatles section downstairs so I got the album “Let it Be” instead. I put the record on the player exactly as I did today, sat and listened to it. 

I was enjoying the music at first even swaying my head from side to side until something familiar caught my eye. “Rubber Soul.” It was there on the player in the booth beside mine. The pin was unhooked and the record already stopped spinning. But the man, who was supposed to be listening to it just sat there, with his headphones on, for god knows how long, just staring into space. That was why I couldn’t find that damn album on the racks!

BLACK OU STAGE T. THE MAN ENTERS AND SITS ON THE CHAIR. 

Beatles Girl: Excuse me (TALKING TO THE MAN), I think your record was done playing. 

THE MAN DOESN’T PAY ANY ATTENTION TO HER.

Beatles Girl: Excuse me, I think your record was done playing! (LOUDER THIS TIME)

WHEN THE MAN REFUSES TO PAY ATTENTION TO HER FOR THE SECOND TIME, SHE TAGS THE SLEEVE OF HIS SHIRT.  THE MAN LOOKS AT HER BLANKLY.

Beatles Girl: Excuse me, I think your record already stopped.

THE MAN LOOKS AT THE RECORD PLAYER. HE PUTS THE PIN DOWN AGAIN.

Beatles Girl: Wait! Aren’t you planning to return that now? 

Nowhere Man: I want to listen to it again.

Beatles Girl: But you already finished listening to it.

Nowhere Man: Who says I can’t listen to it again if I want to?

Beatles Girl: But there might be other people who might want to listen to it, you know. 

Nowhere Man: It’s my wife’s favorite song.

Beatles Girl: Oh, how sweet (TENDERLY).

Nowhere Man: But she died in a car crash three years ago and her stomach got ripped and her 
intestines spilled on the car seat. Actually, she’s there right behind you waving at me.

Beatles Girl: What!

THE BEATLES GIRL FREAKS OUT. SHE SUDDENLY LOOKS BEHIND HER. 

WHEN SHE TURNS TO THE MAN, HE IS GIGGLING AT HER.

Beatles Girl: That was not funny.

Nowhere Man: Your face was funny. So what are you listening to? 

Beatles Girl: Beatles.

Nowhere Man: Beatles fan?

Beatles Girl: My dad is.

THE MAN INTERRUPTS THE GIRL

Nowhere Man: Don’t tell me your dad is also behind me waving at you.

Beatles Girl: I wish he was. I’ve never met him. He left us a few months after I was born so I 
don’t really have memories of him. My mom just told me that he likes listening to the Beatles so I also tried listening to their songs, makes me feel connected to him in a way. Did your wife play a lot of Beatles songs too?

Nowhere Man: Actually, no. She was not really a fan. I just said it was her favorite to make fun 
of you. 

Beatles Girl: Wow, thank you for being so frank. 

Nowhere Man: This was the song playing in the cab when I was on my home from her 
funeral.

Beatles Girl: So funny, am I supposed to believe that now? (SARCASTIC TONE)

Nowhere Man: She didn’t die in a car accident. She died in the hospital on New Year’s Day. 

THE GIRL PAUSES TO THINK WHETHER TO BELIEVE THE MAN OR NOT. 

Beatles Girl: I’m so sorry to hear that. I mean, if what you’re saying is true, then I’m sorry for 
your loss.

Nowhere Man: You sound sarcastic.

Beatles Girl: You sound unsympathetic… for someone who just lost his wife.

Nowhere Man: Why would I lie to a stranger?

Beatles Girl: You don’t know if you’d ever meet me again so everything you tell me now would 
be the only truth that I’d know. So why wouldn’t you?

Nowhere Man: I don’t know if I’d ever meet you again so I’d tell you the things I 
couldn’t tell other people who knew me well. You probably won’t care after this anyway.

Beatles Girl: So you’re not joking about your wife?

Nowhere Man: Seriously, you want to see the death certificate! (STARTS BECOMING 
IRRITATED) How many people joke about their wives dying on New Year’s Day? 

Beatles Girl: One. 

THE MAN IS IRRITATED. HE SIGHS AND REMAINS SILENT AGAIN.

Beatles Girl: How did she die?

Nowhere Man: Cancer. She knew that we didn’t have enough money for her treatments so she 
decided not to undergo any of those, probably to spare me from all the debts I would have 
acquired.

Beatles Girl: She sounds like a tough woman. 

Nowhere Man: She’s unfair. She’s so fucking unfair. When I found out that she was sick, I 
started planning carefully how to get the money for treatment, I looked for extra jobs I can take, I applied for loans, I asked friends to help out. I was willing to do everything to help her live longer but then she didn’t fight harder, I realized I was fighting so hard for somebody who had no will to fight as much as I had. I felt so cheated.

Beatles Girl: Cheated. Big word.

Nowhere Man: We made a promise that we would always be together. See, who broke the 
promise?

Beatles Girl: Well, she didn’t really intend to break it. Death is a normal thing. You can’t 
control it.

Nowhere Man: She stopped taking medications. She refused to undergo chemotherapy. That’s 
accepting defeat too easily.
   
Beatles Girl: That’s finding a peaceful resolve.

Nowhere Man: That’s giving up in the middle of the battle.

Beatles Girl: I think that’s guilt.

Nowhere Man: What?

Beatles Girl: Not about your wife, about you. I think you feel guilty.

Nowhere Man: Guilty? For What? (LOUDER)

Beatles Girl: You feel guilty because you couldn’t do anything for her. You feel guilty because 
she died and you survived. You feel guilty because---
Nowhere Man: What are you saying? You don’t even know me. You don’t even know what 
happened. (PREPARES TO LEAVE)

Beatles Girl: Exactly, I don’t know you and your wife and I am not sure if I’m going to meet 
you again so I’ll give you my two cents worth now. Get over that guilt and live your life. 

Nowhere Man: You think it’s that easy?

Beatles Girl: It’s not. I didn’t say anything like that, what I’m saying is that it’s possible. People 
we love leave, they go somewhere, lead different lives, and we can’t be stuck at that point where they left us. I found out that after I was born, my dad left to work overseas to give us a better life but because of that, he met another woman and left us permanently. 

Nowhere Man: At least he didn’t die of cancer!

Beatles Girl: Good thing he didn’t! But we never saw him again. People come and people go, some people come back, some people don’t. What do you do when they don’t?

Nowhere Man: Hang yourself.

Beatles Girl: That’s too morbid for most people (LAUGHS).

Nowhere Man: Maybe jump in front of a train?

Beatles Girl: Too graphic. 

Nowhere Man: That’s actually what I’m planning to do on my way home (TURNS SERIOUS).

THERE IS SILENCE. A LONG PAUSE BETWEEN THE TWO. AFTER A FEW SECONDS, THE MAN GATHERS HIS THINGS, REMOVES THE VINYL RECORD FROM THE PLAYER AND SLIPS IT INSIDE THE CASE AND WALKS AWAY.

Nowhere Man: I’m returning this to the counter, in case you want to listen to it.

Beatles Girl: Hey, don’t kill yourself (PAUSES). I bet you don’t want others to feel what you’re 
feeling now.

Nowhere Man: I’ll try not to.

THE MAN LEAVES. 

BLACK OUT. 

Beatles Girl: That was the last thing he said yesterday before he left and until now he’s still not here. I am not sure if he’s ever coming back here. I am not even sure if he succeeded “trying” not to kill himself. I just hope he did.

THE GIRL GATHERS HER THINGS, REMOVES THE VINYL RECORD FROM THE PLAYER, SLIPS IT INSIDE THE CASE AND EXITS THE ROOM. BEFORE EXITING SHE LOOKS AT THE BOOTHS ONE LAST TIME AND LEAVES. 

A FEW SECONDS LATER, THE MAN ENTERS HOLDING A VINYL RECORD. HE LOOKS AROUND THE PLACE AS IF SEARCHING FOR SOMEONE. HE PUTS THE RECORD ON THE PLAYER AND STARTS PLAYING THE BEATLES’ “ALL YOU NEED IS LOVE.” THE MAN LOOKS AT THE EMPTY CHAIR BESIDE HIM AND CONTINUES LISTENING TO THE SONG. 



#END

*Staged by EDS Productions in Spring 2015 at the EDS Event at Charles the Dickens, Tokyo, Japan.


Monday, April 13, 2015

Asahiwaka: Isang Mukha ng Hokkaido

***originally published in the March Issue of Pinoy Gazette
Also published on Pinoy Gazette's official blog: pinoygazetteofficial.blogpsot.jp



Asahikawa Zoo. (Kuha mula sa Wikipedia)
Tuwing mababanggit ang Hokkaido, unang maiisip ang lungsod ng Sapporo – ang pinakamalaking lungsod dito kung saan nagaganap ang taunang snow festival tuwing Pebrero. Karaniwang kaugnay ng Hokkdaido ang imahe ng makakapal na nyebe at napakalamig na temperatura na hindi kadalasang nararanasan sa Tokyo. Pero bukod sa Sapporo ay mayroon pang ibang magagandang lugar sa Hokkaido na maaaring subukang puntahan ng mga dadalaw dito.

Isa rito ang Asahikawa, ang pangalawang pinakamalaking lungsod sa isla. Mayroong mga budget airlines na lumalapag diretso mismo sa Asahikawa Airport. Maaari rin na lumapag sa New Chitose Airport (Sapporo) at mag-train mula rito papuntang Asahikawa.

Mayroong diretsong train hanggang Asahikawa na nagkakahalaga ng kulang-kulang ¥5,000 depende kung reserved or non-reserved seat. Makakakuha ng discount kung bibili ng apat na ticket. Tatagal ng dalawang oras ang biyaheng ito pero dahil maganda ang tanawin sa bintana at komportable ang upuan, halos hindi mamamalayan ang haba nito.

Pinagmulan ng Pangalan
           
Tinatawag ng mga Ainu o ang mga katutubo ng Japan ang Chubetsu River, ang ilog na dumadaloy sa Asahikawa mula silangan hanggang kanluran, na “Chiu Pet” na ang ibig sabihin ay “river of waves” pero inakala ng mga bagong dating sa isla na ang ibig sabihin nila ay “chu pet” o “river of the sun.” Dahil dito nabuo ang pangalang “Asahikawa” na nagmula sa pinagsamang mga salita na asahi (sikat ng araw) at kawa (ilog).

Asahikawa Winter Festival

Kung mayroon ang Sapporo, hindi magpapahuli ang Asahikawa. Mayroon din itong taunang snow festival na ginaganap din sa loob ng isang linggo tuwing Pebrero. Sa panahong ito ay nagtatayo sila ng malalaking ice sculptures sa Asahibashi at Heiwa Dori. Dahil karaniwang magkalapit ang araw ng festival dito at ng sa Hokkaido, posible na mapuntahan ng mga turista ang parehong festival.

Kung malalaking ice sculptures ang hanap mo, sa Asahibashi ito matatagpuan. Taun-taon ay iba’t iba ang tema ng kanilang mga masterpiece. Nakapasok sa Guiness World Record ang ginawa nilang Korean Fortress noong 1994. Mayroon din na iba’t ibang activities na pwedeng gawin ang pamilya dito tulad ng sleigh rides na hinihila ng kabayo at mga slides na gawa sa yelo. Sa Heiwa Dori naman matatagpuan ang halos 50 ice sculptures taun-taon na kasali sa isang kumpetisyon. Kung susuwertihin, maaabutan ang mga iskultor dito na ginagawa ang kanilang masterpiece.

Mga Pasyalan

Ang kadalasang maiisip na gawin sa Hokkaido ay ang mag-ski pero marami pang maaaring gawin at puntahan dito tulad ng sumusunod:

  • Asahikawa Zoo – Isa ito sa mga pinakakilalang zoo sa buong Japan na dinarayo ng milyun-milyong turista bawat taon. Noong 2007 lamang, umabot sa tatlong milyong tao ang bumisita sa zoo. Napakalaki nito kung ikukumpara sa populasyon ng Asahikawa na 360,000. Mayroon 800 hayop sa zoo na binubuo ng mga polar bear, penguin at seal.
  • Asahikawa Ramen Village – matatagpuan sa lugar na ito ang walong kainan na may kanya-kanyang klase ng ramen na patok sa iba’t ibang panlasa. Para sa mga hindi pamilyar sa ramen at mga turistang hindi makabasa ng “kanji,” mayroon silang inihanda na mga larawan ng ramen sa labas ng tindahan para madaling makapamili ang mga kakain dito. Pinakamaiging mag-taxi kung pupunta sa lugar na ito dahil nasa Nagayama ito na medyo malayo sa sentro ng Asahikawa.
  • Onsen – Hindi mahirap hanapin ang mga nagkalat na onsen sa paligid ng Asahikawa. Hindi lamang ito nakaka-relax, mabuti rin ito sa katawan dahil sa mga natural minerals na mayroon ang tubig nito.
    • Tatsuno Yu – matatagpuan ang onsen na ito sa Higashi Asahikawa. Mamula-mula ang tubig sa onsen na ito dahil mayaman ito sa iron.
    • Kyowa Onsen – matatagpuan tio sa Aibetsu-cho o mas kilala bilang “mushroom town.” Pagkatapos magbabad sa mainit na tubig ng onsen, maaaring subukan ang iba’t ibang putahe na gawa sa mushroom. Mayroon silang espesyal na full course meal na gawa lamang sa iba’t ibang klase ng mushroom.
    • Youyu Pippu – matatagpuan ang onsen na ito sa paanan ng Pippu Ski Hill. Kung nais ninyo rin mag-ski mainam na rito na mamalagi dahil mayroon ding hotel at restaurant ang onsen na ito. Hindi lamang magandang pumunta rito pag winter dahil sa ski, pero mainam din sa summer dahil mayroong malapit na golf course dito.

Produktong Kahoy

Dahil mayaman ang mga kagubatan ng Asahikawa sa matitibay na oak, ang paggawa ng mga produktong kahoy ang isa sa mga pangunahing ipinagmamalaki ng Asahikawa. Mainam ang mainit at malamig na panahon nito sa pag-preserve ng magagandang uri ng kahoy. Maraming kahoy ang dinadala pa rito mula sa ibang bansa para lang i-preserve.
           
Kilalang pang-export ang mga produkto ng Asahikawa. Maraming malalaking kumpanya ang nagma-mass produce ng iba’t ibang produktong kahoy mula sa maliliit na gamit sa bahay tulad ng mga plato at baso hanggang sa malalaking muwebles tulad ng lamesa, couch, cupboard at cabinet. Mayroon ding maliliit na mga specialty shops na gumagawa ng mga souvenir tulad ng mga card case, tissue holder at wine stands.

‘Imbisibol’ sa Asahikawa

Kamakailan lamang ay nag-shoot ng pelikula ang grupo ni Lawrence Fajardo, isang multi-awarded Filipino filmmaker sa iba’t ibang lugar sa Asahikawa tulad ng Asahidake. Ang “Imbisibol” ay tungkol sa buhay ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa Japan. Ang pelikula ay bahagi ng Sinag Maynila, isang bagong independent film festival na inorganisa ng kilalang filmmaker na si Brillante Mendoza sa pakikipagtulungan sa Solar Entertainment Inc. Ang “Imbisibol” ay inihahandog ng Center Stage Productions at Pelikulaw sa tulong ng Fukuoka City, Fukuoka Film Commission, Japan Foundation Asia Center, CHINZEI-Kyushu Creative Network, Fukuoka Independent Film Festival, Snowbugs LTD at Likhang Silangan Entertainment. Ipapalabas ito sa mga piling SM Cinemas sa Maynila sa Marso 18-25.