Live to love, Love to live.
Visit Hakone and view Mt. Fuji without going too far from Tokyo.
Bright lights, a ferris wheel ride and a night cruise around the bay will never fail to make you fall in love with this city over and over again.
Go on a sunset cruise, sit back, relax and marvel at the beauty of the clouds.
It's not only a place to ring bells for good luck, it's also rich in culture and history.
Sea food lunch by the bay and a close encounter with amazing sea creatures are great ways to break away from the busy metropolis.
Next
Previous
Wednesday, April 15, 2015
Monday, April 13, 2015
Asahiwaka: Isang Mukha ng Hokkaido
***originally published in the March Issue of Pinoy Gazette
Also published on Pinoy Gazette's official blog: pinoygazetteofficial.blogpsot.jp
![]() |
| Asahikawa Zoo. (Kuha mula sa Wikipedia) |
Tuwing
mababanggit ang Hokkaido, unang maiisip ang lungsod ng Sapporo – ang
pinakamalaking lungsod dito kung saan nagaganap ang taunang snow festival
tuwing Pebrero. Karaniwang kaugnay ng Hokkdaido ang imahe ng makakapal na nyebe
at napakalamig na temperatura na hindi kadalasang nararanasan sa Tokyo. Pero
bukod sa Sapporo ay mayroon pang ibang magagandang lugar sa Hokkaido na
maaaring subukang puntahan ng mga dadalaw dito.
Isa rito
ang Asahikawa, ang pangalawang pinakamalaking lungsod sa isla. Mayroong mga
budget airlines na lumalapag diretso mismo sa Asahikawa Airport. Maaari rin na
lumapag sa New Chitose Airport (Sapporo) at mag-train mula rito papuntang
Asahikawa.
Mayroong
diretsong train hanggang Asahikawa na nagkakahalaga ng kulang-kulang ¥5,000
depende kung reserved or non-reserved seat. Makakakuha ng discount kung bibili
ng apat na ticket. Tatagal ng dalawang oras ang biyaheng ito pero dahil maganda
ang tanawin sa bintana at komportable ang upuan, halos hindi mamamalayan ang
haba nito.
Pinagmulan ng Pangalan
Tinatawag
ng mga Ainu o ang mga katutubo ng Japan ang Chubetsu River, ang ilog na dumadaloy
sa Asahikawa mula silangan hanggang kanluran, na “Chiu Pet” na ang ibig sabihin
ay “river of waves” pero inakala ng mga bagong dating sa isla na ang ibig
sabihin nila ay “chu pet” o “river of the sun.” Dahil dito nabuo ang pangalang “Asahikawa”
na nagmula sa pinagsamang mga salita na asahi (sikat ng araw) at kawa (ilog).
Asahikawa Winter Festival
Kung
mayroon ang Sapporo, hindi magpapahuli ang Asahikawa. Mayroon din itong taunang
snow festival na ginaganap din sa loob ng isang linggo tuwing Pebrero. Sa
panahong ito ay nagtatayo sila ng malalaking ice sculptures sa Asahibashi at
Heiwa Dori. Dahil karaniwang magkalapit ang araw ng festival dito at ng sa
Hokkaido, posible na mapuntahan ng mga turista ang parehong festival.
Kung
malalaking ice sculptures ang hanap mo, sa Asahibashi ito matatagpuan.
Taun-taon ay iba’t iba ang tema ng kanilang mga masterpiece. Nakapasok sa
Guiness World Record ang ginawa nilang Korean Fortress noong 1994. Mayroon din
na iba’t ibang activities na pwedeng gawin ang pamilya dito tulad ng sleigh
rides na hinihila ng kabayo at mga slides na gawa sa yelo. Sa Heiwa Dori naman
matatagpuan ang halos 50 ice sculptures taun-taon na kasali sa isang kumpetisyon.
Kung susuwertihin, maaabutan ang mga iskultor dito na ginagawa ang kanilang
masterpiece.
Mga Pasyalan
Ang
kadalasang maiisip na gawin sa Hokkaido ay ang mag-ski pero marami pang
maaaring gawin at puntahan dito tulad ng sumusunod:
- Asahikawa Zoo – Isa ito sa mga pinakakilalang zoo sa buong Japan na dinarayo ng milyun-milyong turista bawat taon. Noong 2007 lamang, umabot sa tatlong milyong tao ang bumisita sa zoo. Napakalaki nito kung ikukumpara sa populasyon ng Asahikawa na 360,000. Mayroon 800 hayop sa zoo na binubuo ng mga polar bear, penguin at seal.
- Asahikawa Ramen Village – matatagpuan sa lugar na ito ang walong kainan na may kanya-kanyang klase ng ramen na patok sa iba’t ibang panlasa. Para sa mga hindi pamilyar sa ramen at mga turistang hindi makabasa ng “kanji,” mayroon silang inihanda na mga larawan ng ramen sa labas ng tindahan para madaling makapamili ang mga kakain dito. Pinakamaiging mag-taxi kung pupunta sa lugar na ito dahil nasa Nagayama ito na medyo malayo sa sentro ng Asahikawa.
- Onsen – Hindi mahirap hanapin ang mga nagkalat na onsen sa paligid ng Asahikawa. Hindi lamang ito nakaka-relax, mabuti rin ito sa katawan dahil sa mga natural minerals na mayroon ang tubig nito.
- Tatsuno Yu – matatagpuan ang onsen na ito sa Higashi Asahikawa. Mamula-mula ang tubig sa onsen na ito dahil mayaman ito sa iron.
- Kyowa Onsen – matatagpuan tio sa Aibetsu-cho o mas kilala bilang “mushroom town.” Pagkatapos magbabad sa mainit na tubig ng onsen, maaaring subukan ang iba’t ibang putahe na gawa sa mushroom. Mayroon silang espesyal na full course meal na gawa lamang sa iba’t ibang klase ng mushroom.
- Youyu Pippu – matatagpuan ang onsen na ito sa paanan ng Pippu Ski Hill. Kung nais ninyo rin mag-ski mainam na rito na mamalagi dahil mayroon ding hotel at restaurant ang onsen na ito. Hindi lamang magandang pumunta rito pag winter dahil sa ski, pero mainam din sa summer dahil mayroong malapit na golf course dito.
Produktong Kahoy
Dahil
mayaman ang mga kagubatan ng Asahikawa sa matitibay na oak, ang paggawa ng mga
produktong kahoy ang isa sa mga pangunahing ipinagmamalaki ng Asahikawa. Mainam
ang mainit at malamig na panahon nito sa pag-preserve ng magagandang uri ng
kahoy. Maraming kahoy ang dinadala pa rito mula sa ibang bansa para lang i-preserve.
Kilalang
pang-export ang mga produkto ng Asahikawa. Maraming malalaking kumpanya ang
nagma-mass produce ng iba’t ibang produktong kahoy mula sa maliliit na gamit sa
bahay tulad ng mga plato at baso hanggang sa malalaking muwebles tulad ng
lamesa, couch, cupboard at cabinet. Mayroon ding maliliit na mga specialty
shops na gumagawa ng mga souvenir tulad ng mga card case, tissue holder at wine
stands.
‘Imbisibol’ sa Asahikawa
Sunday, March 1, 2015
Mula Teatro Hanggang Pelikula: Ang Pagdating ng ‘Imbisibol’ sa Japan
***originally published in the February Issue of Pinoy Gazette
Also published on Pinoy Gazette`s official blog: pinoygazetteofficial.blogspot.jp
![]() |
| Kuha ni Boy Yniguez |
Noong
nakaraang buwan ay dumating si Direk Lawrence Fajardo sa Japan kasama ang iba
pang miyembro ng aming grupo mula sa Pilipinas upang i-shoot ang aming independent
film na pinamagatang “Imbisibol.” Ang “Imbisibol” ay isa sa anim na entries ng “Sinag
Maynila” isang bagong local film
festival na nabuo mula sa pagtutulungan ng award-winning director na si
Brillante Mendoza at Solar Entertainment, Inc. Ang festival ay nakatakdang
ilunsad sa Pilipinas ngayong Marso.
Unang
itinanghal ang “Imbisibol,” na isinulat ko bilang dulang may isang yugto, noong
2013 sa Tanghalang Huseng Batute, Cultural Center of the Philippines bilang
bahagi ng Virgin Labfest 9 – isang taunang festival ng mga dula na nagbibigay
oportunidad sa mga manunulat, baguhan man o batikan, na maitanghal sa
kauna-unahang pagkakataon ang kanilang mga “birheng” katha na hindi pa
naipalabas o nailimbag.
Ang
mga artistang gumanap dito ay sina Lou Veloso, Lui Manansala, Only Torres at
Junjun Quintana. Nang sumunod na taon ay muli itong itinanghal sa Virgin
Labfest 10 kung saan pinalitan nina Bernardo Bernardo at Ces Quesada sina
Veloso at Manansala. Ang stage play version ng “Imbisibol” ay idinirehe rin ni
Lawrence. Dito kami unang nagkasama sa trabaho at parehas kaming naging
interesado sa mga buhay ng kapwa Pilipino nating nagtatrabaho sa ibang bansa.
Si Lawrence ay umani na ng maraming parangal sa iba’t ibang international
festivals. Ilan sa kanyang pelikula ay ang “Amok,” “Posas” at ang Metro Manila
Film Festival 2012 entry na “The Strangers.”
Ang
“Imbisibol” ay tumatalakay sa mga isyung kinakaharap ng mga Pilipinong “bilog”
sa Japan – sila iyong mga nanatili sa Japan ng walang legal visa o mas kilala
sa tawag na TNT, pinaiksing salita para sa Tago ng Tago.
Sinusundan
ng pelikula ang buhay nina Benjie, isang matandang bilog na gusto nang umuwi sa
kanyang pamilya; Linda, isang Pilipinang dating nagtatrabaho sa gabi at
nakapag-asawa ng Hapon; Manuel, isang hosto na adik sa sugal at lubog sa utang;
at Rodel, isang batang bilog na puno pa ng pag-asa at pangarap na mabibigyan niya
ng magandang buhay ang anak sa Pilipinas. Itinatampok sa pelikula sina Bernardo
Bernardo bilang Benjie, Ces Quesada bilang Linda, Allen Dizon bilang Manuel at
JM De Guzman bilang Rodel. Mayroon din na espesyal na partisipasyon sina Ricky
Davao at Cynthia Luster.
Mula
noong 1980’s, marami sa ating mga kababayan ang nagpunta ng Japan upang
magtrabaho. Marami sa kanila ang umuwi matapos ang ilang taon, pero marami rin
ang nagdesisyong manatili kahit na nag-expire na ang kanilang mga visa. Tiyak
na pamilyar tayo sa ganitong kwento. May mga kapamilya o kakilala tayo na
nangibang-bansa at nagtrabaho. Marami na rin na pelikula ang nagpakita ng
ganitong mga istorya, pero sa pagkakataong ito, gusto naming gawing “totoong
tao” ang mga karakter sa pelikula. Hindi iyong patuloy na “niro-romanticize”
sila bilang mga bagong bayani.
Ang
mga kababayan natin na nagtatrabaho at nagsisipag para sa ikagiginhawa ng
kanilang mga pamilya ay mga totoong tao – may sari-sariling mga problema at
pangangailangan, may kanya-kanyang takot at pag-aalinlangan. Kinikilala ng
“Imbisibol” ang katotohanang bawat isa ay may inner struggles na nakakaimpluwensya
sa desisyon nilang maging imbisibol at maglaho. Ika nga, “everday is a fight
not for existence, but for non-existence.” At sa patuloy nilang pagtatago,
nagiging imbisibol sila sa iba’t ibang aspeto – sa kanilang mga pamilya, sa
kapwa Pilipino, sa batas, pati na rin sa kanilang mga sarili.
Samahan natin sina Benjie, Linda, Manuel at Rodel sa mga pakikipagsapalaran nila sa buhay trabaho, buhay pamilya at buhay pag-ibig sa Japan. Ipapalabas ang “Imbisibol” ngayong Marso sa mga piling SM Cinemas sa Pilipinas. Ang “Imbisibol” ay kinunan sa Fukuoka at Hokkaido sa tulong at suporta ng Fukuoka Film Commission, Fukuoka Independent Film Festival at Chinzei Group.
Friday, February 13, 2015
How to Play the Sho?
Ever wondered what a Sho is?
A sho is a traditional Japanese wind instrument that is used as a part of the court music ensemble called the Gagaku that dates back as far as 1,300 years ago.
During a music conference in Tokyo, I was privileged to be given a chance to attend a workshop on composing music using the sho. The workshop proved to be very interesting for someone like me who is not a born musician. The workshop was headed by Naoyuki Manabe, a Japanese sho player and composer. He had composed a series of works for a solo sho performance from 1994-2006. He also produced several sho recitals from 2000 to 2012.
To get a glimpse of how he plays the sho, here's a short video that I took during the workshop. Please enjoy and I hope you'll be inspired to learn more about this interesting Japanese musical instrument!
A sho is a traditional Japanese wind instrument that is used as a part of the court music ensemble called the Gagaku that dates back as far as 1,300 years ago.
During a music conference in Tokyo, I was privileged to be given a chance to attend a workshop on composing music using the sho. The workshop proved to be very interesting for someone like me who is not a born musician. The workshop was headed by Naoyuki Manabe, a Japanese sho player and composer. He had composed a series of works for a solo sho performance from 1994-2006. He also produced several sho recitals from 2000 to 2012.
To get a glimpse of how he plays the sho, here's a short video that I took during the workshop. Please enjoy and I hope you'll be inspired to learn more about this interesting Japanese musical instrument!
A Cafe in Between Passing Trains: Cafe N331
I have a penchant for riding trains, taking pictures of old trains with steam engines and visiting museums about old trains and railways. I even visited a company that makes railways, how geeky can I get? So when I found out that there's a cafe situated exactly between two train tracks (actually, I heard it stands on an old platform), I immediately went there even though there had been forecasts about a coming typhoon!
Cafe N331, pronounced as "en san san ichi" is situated in between the chuo lines. It can be found on top of the newly-renovated Manseibashi Platform, which is now more popularly known as the mAAch. Inside it is a long stretch of boutiques with interesting products like clothes and bags, paper products and stationery sets and of course train models!
The cafe is really small and all the tables are beside the window so there's no need to worry about not getting a good view of the passing trains. The walls are all glass so you can see not only the passing trains on your side but also the trains passing on the other line in the distance. Just for the experience of being so close to a real, moving train is worth the visit. Please see this video that I took for you to see how awesome it is!
Don't expect so much on the food though because for me it's quite ordinary. I arrived there a little past lunch time and the curry that I wanted to order was already sold out. I ended up ordering an eggplant sandwhich, which is actually not bad but also not amazing.
To get there, you can get off at Kanda Station and walk for around 7-minutes. If the red brick mAAch building comes to view, it means you're on the right track. They are open from 11:00am to 11:00pm from Mondays to Saturday, but they close at 9:00pm on Sundays and holidays.
TIPS:
If you just want to enjoy the ambiance and train watching with friends, it's better to sit inside the cafe, near the counter. There 's a couch with colorful pillows that make the place even homier. But if you want to get a good photo of passing trains, better take a seat on the other end of the cafe where you can catch a good glimpse of the trains while chilling with your coffee or tea.
If you want to try their rice meals, it's better to arrive before 12noon because their food easily gets sold old, they're probably don't stock so much food I guess since it's a very small cafe. And because of it's size, I don't think they allow customers to stay there for a long time.
Sunday, February 8, 2015
Halina’t mamasyal at kumain sa Fukuoka!
***originally published in the January Issue of Pinoy Gazette
Also published on Pinoy Gazette's official blog: pinoygazetteofficial.blogspot.jp
![]() |
Kilala
ang Fukuoka bilang “Gateway to Asia” dahil sa lokasyon nito sa hilagang bahagi
ng isla ng Kyushu na nagbubukas sa Japan sa mga bansa sa South East Asia tulad
ng Pilipinas at North Asia tulad ng South Korea at China. Dahil dito, maraming
turista ang dumadagsa kada taon upang makita ang magagandang tanawin dito at
matikman ang masasarap na pagkaing dito orihinal na nagmula.
Ang kasaysayan ng Fukuoka
Ang makabagong lungsod ng Fukuoka,
na nabuo mula sa pinagsamang bayan ng Fukuoka at Hakata, ay itinatag ni Kuroda
Kanbei noong Abril 1, 1889. Ang Fukuoka noon ay kilala na tahanan ng mga
samurai samantalang ang Hakata naman ang sa mga mangangalakal. Dahil malapit sa
daungan ang Hakata, dito lumago ang komersyo. Ang mga detalye ng kasaysayan ng
Fukuoka ay matatagpuan sa Fukuoka City Museum kung saan makikita ang halos 3,350
historical items tulad ng mga espada, pananggalang, golden seals, paintings at
mga dokumento patungkol sa martial arts na pagmamay-ari ng mga sinaunang feudal
lords. Samantalang sa Fukuoka Art Museum naman matatagpuan ang 440 kagamitan at
262 dokumento. Mayroon din na mabibili na iba’t ibang souvenir sa Fukuoka tulad
ng mga Hakata dolls na isang lokal na produkto. Mayroon din na mga cookies na
may mukha ni Kanbei o mga postcard na may picture ng anime version ni Kanbei.
Mga bisita ng Fukuoka
Dahil highly accessible ang Fukuoka
sa maraming bansa sa Asya, marami nang turista ang dumarayo rito mula sa ibang
bansa. Kahit noong sinaunang panahon ay nagsilbi na itong daan upang magkaroon
ng pagpapalitan ng kultura at kalakal ang mga magkakalapit-bansa. Taun-taon,
ang Fukuoka ay dinarayo ng dalawang milyong turista, karamihan sa kanila ay
mula sa South Korea at China.
Ayon sa Jalan Research Center na
nagsagawa ng survey sa mga Taiwanese, Chinese at Korean na turista sa Japan,
Fukuoka ang nagkatanggap ng pinakamataas na satisfaction rating. Nagtamo ito ng
3.74 points habang pumangatlo lamang ang Chiba kung saan matatagpuan ang
Disneyland na may 3.53 points. Pagdating naman sa pagkain, nakatanggap ito ng ng
3.84 satisfaction rating.
Daungan ng cruise ship
Popular rin ang Fukuoka sa mga
turista na mahilig mag-cruise. Isa itong kilalang daungan ng mga Cruise Ship.
Noong 2012, pumangalawa ang Fukuoka sa lahat ng mga daungan sa Japan na may
pinakamaraming dumadaong na cruise ship na pagmamay-ari ng lokal at
international shipping companies. May 112 cruise ships na dumaong sa Hakata
Port noong 2012 samantalang may 142 naman sa Yokohama na nanguna sa listahan.
Seafood galore
Ilan
sa kilalang pagkain sa Fukuoka ay ang Hakata Ramen at motsunabe pero marami
pang katakamtakam na putahe ang pwedeng subukan sa Fukuoka. Hindi dapat
palagpasing matikman ang sariwang seafood sa Fukuoka. Pangalawa ang Fukuoka sa buong
Japan na may pinakamaraming kinakalakal na isda na umabot sa 17,064t.
Pumangalawa ang Fukuoka sa Hyogo na may 29,713t.
Pangalawa rin ang Fukuoka na may pinakamaraming seafood
restaurants sa buong bansa. Ayon sa website ng Fukuoka, mayroong 36 na seafood restaurant
kada 100,000 tao sa Fukuoka. Noong 2012 unang ginanap ang Oyster Competition of
Japan na inorganisa ng Japan Oyster Association. Kinikilala sa kumpetisyong ito
ang prefecture na may pinakasariwa at pinakamasarap na oyster. Sa kasalukuyan, pangalawa
ang Fukuoka sa buong bansa na may pinakamasarap na oyster. Nanguna naman ito sa
Design Category at Texture Category sa kumpetisyon.
Hindi lamang sa ramen at seafood nangunguna ang Fukuoka,
kinilala rin ito ng CNN travel website na may pinakamasarap na street food sa
Asya habang pangatlo naman ang Maynila. Magandang pumasyal sa mga yatai stalls
sa tabi ng ilog sa Nakasu District na nagbebenta ng iba’t ibang streetfood
tulad ng yakitori.
Child-Friendly Fukuoka
Hindi
rin problema ang pamamasyal sa Fukuoka kung may kasamang bata dahil maituturing
na child-friendly ang buong lungsod. May halos 279 establishments sa Fukuoka ang
may baby station tulad ng feeding station, diaper changing station at hot water
for milk. Noong 2009, 188 lamang ito, pero kada taon ay mas maraming
establishments ang nagiging prayoridad ang pangangailangan ng mga residente at
turistang namamsyal na may kasamang bata. Kaya noong 2013 ay naging 279 establishments
na ang mayroong baby stations, isang patunay na sensitibo sa pangangailangan ng
mga byahero ang lungsod ng Fukuoka.
Transportasyon
Dahil “Gateway to Asia” ang Fukuoka,
napaka-accessible nito sa maraming lugar sa Japan at Asya. May 10 direct
flights araw-araw na nagbabyahe ng Fukuoka-Manila. May haba lamang na tatlong
oras at kalahati ang byaheng ito. Kung nasa Japan naman, maaaring mag-shinkansen
o ‘di kaya naman ay kumuha ng murang ticket sa eroplano gamit ang mga low cost
domestic airlines. Kunektado ang Fukuoka sa 22 lungsod sa Japan. Halos isang
oras at kalahati lamang ang tagal ng biyahe mula Tokyo papuntang Fukuoka kung
nakaeroplano. May ferry din na maaaring sakyan papuntang Busan, South Korea.
“Imbisibol” sa Japan
Dahil sa scenic views ng Fukuoka at mga magigiliw na mga taong
nakatira dito, napili itong lokasyon para sa ilang bahagi ng isang independent
film na pinamagatang “Imbisibol” na idinirek ni Lawrence Fajardo, isang
kilalang filmmaker mula sa Bacolod City. Bahagi ang pelikulang ito ng Sinag
Maynila, isang bagong independent film festival na nabuo sa pagtutulungan ng
award-winning director na si Brillante Mendoza at ng Solar Entrainment
Corporation. Nakatakdang ipalabas ang “Imbisibol” sa mga SM Cinemas ngayong Marso.
Ang “Imbisibol” ay hango sa isang one-act play na may parehas
na titulo at isinulat ng inyong lingkod. Una itong ipinalabas sa Cultural
Center of the Philippines bilang bahagi ng Virgin Labfest 9 noong 2013 at muling
ipinalabas sa Virgin Labfest 10 noong 2014. Sinusundan ng “Imbisibol” ang buhay
ng apat na Pilipinong nagtatrabaho sa Japan. Pinangungunahan ng mga batikang
mga aktor na sina JM de Guzman, Ces Quesada, Bernardo Bernardo at Allen Dizon
ang pelikulang ito.
Sunday, December 14, 2014
Japan Content Showcase 2014: Pagpapalitan ng produkto, kultura at impluwensiya
***originally published in the November Issue of Pinoy Gazette
Also published on Pinoy Gazette`s official blog: pinoygazetteofficial.blogspot.jp
![]() |
| Kuha mula sa Official Facebook Page ng Japan Content Showcase 2014 |
Napansin
niyo ba kung bakit mas maraming mga dramang mula Korea ang naipapalabas sa
Pilipinas kaysa sa mga dramang Hapon? Nakakatawa naman ang mga dramang Hapon,
mas maiikli kaya mas madaling subaybayan at hindi naman kumplikado ang mga
kwento, pero bakit hindi ito karaniwang binibili ng mga local networks samantalang
ang mga anime naman ay namamayagpag sa local channels?
Siyempre,
isa sa pinakamahalagang bahagi ay ang negosasyon sa pagitan ng mga kumpanya: gaano
katagal ipapalabas ang isang drama sa Pilipinas, ano ang mga restrictions na
nakakabit sa pagbili ng rights nito, magkano ang presyo nito at mababawi ba ang
halagang ito kapag ipinalabas na ito sa
local channel?
Isa
ang Japan Content Showcase sa mga venue kung saan nagaganap ang mga ganitong
usapan.
Ang
Japan Content Showcase 2014 ay ginanap sa Hotel Grand Pacific Le Daiba kamakailan.
Ginaganap ito taun-taon upang tipunin ang mga content holders at buyers mula sa
iba’t ibang industriya tulad ng pelikula, musika,t elebisyon, animation at iba
pa. Dito ay nagkakarooon ang mga content holders/exhibitors ng pagkakataon na ibenta
ang kanilang mga produkto sa mga potensiyal na mamimili na mula pa sa iba’t ibang
bahagi ng mundo.
Ang Mga Nakibahagi
Ang
taong ito ang nagtala ng pinakamaraming exhibitors at buyers na dumayo pa ng
Japan para lang maging bahagi ng malaking pagtitipong ito. Record-breaking na
maituturing ang bilang ng mga sumuporta,
dumalo, nag-volunteer at naging bahagi ng event na ito sa iba’t ibang paraan. Sa
loob ng tatlong araw, nakibahagi ang 331 exhibitors mula sa 25 bansa; 1,158
buyers mula sa 39 bansa; at 18,000 katao. Marami sa mga exhibitors ay mula
Korea, Taiwan at Cambodia. Ito rin ang kauna-uanahang pagkakataon na may
lumahok mula sa Colombia, Cote d’Ivoire at Estonia.
Mapapansin
din ang unti-unting pagbubukas at paglawak ng merkado ng mga bansa mula sa Southeast
Asia tulad ng Cambodia, Thailand, Malaysia, Indonesia, Vietnam at Singapore na
hindi lamang bumibili ng content mula sa Japan ngunit nag-e-export na rin ng
sarili nilang gawa. Sa taong ito, tumaas ng 19% ang mga exhibitors mula sa
Southeast Asia. Wala mang malaking exhibitor na mula Pilipinas, mayroon namang
mga dumalong mga indibidwal na Pilipino na ipinadala ng kanilang mga kumpanya at
organisasyong kinabibilangan.
Mga Itinampok na Seminar
Hindi
lamang puro negosasyon sa bilihan ng content ang nagaganap sa Japan Content
Showcase, mayroon ding mga seminar na kapupulutan ng mga impormasyon tungkol sa
iba’t ibang industriya sa Asya. Ilan sa mga interesanteng seminar ay tumalakay
sa mga sumusunod na paksa:
·
Sa seminar na pinamagatang “Introducing Japanese
Music Overseas: Issues and Potentials,” pinag-usapan ang ilan sa mga matagumpay
na karanasan ng mga organizers sa pagma-market ng mga Japanese artists tulad ng
Xjapan, One OK Rock, Morning Musume at Hatsune Miku sa Amerika at Europa.
·
Sa “Initiatives for the Development of Content
Industry in Each Country and the Asian Region: Possible Cooperation in the
Asian Region,” tinalakay ang malaking potensyal ng co-production para sa mga
nais gumawa ng pelikula o animation sa tulong ng mga agencies o production houses
sa ibang bansa. Binanggit din ang posibilidad na makakuha ng mga subsidy sa mga
ahensyang pang-gobyerno kung makikipag-ugnayan sa kanila tungkol sa mga
proyektong nais gawin sa bansang iyon. Ang mga panelista ay nagmula sa
Thailand, Singapore, China, Japan at South Korea.
·
Sa “Southeast Asian Visual Contents: The Present
and Future in Film-TV Market” ipinaliwanag kung anong mga pelikula at TV show
ang popular sa Southeast Asia at kung saan posibleng tutungo ang mga trend na
ito sa mga susunod na taon.
·
Para naman sa mga gustong makipagtulungan sa mga
Japanese TV companies, ipinaliwanag sa “How to Find a Partner – Essential Tips
on Collaborating with the Japanese TV Industry” ang kasalukuyang kalagayan ng
industriyang ito. Nagbigay rin ang mga panelista ng mga suhestiyon kung paano makakapagbukas
ng pagkakataon para makipagtrabaho sa mga ito. Nagbahagi rin sila ng mga
karanasan nila sa pakikipagtrabaho sa mga production houses mula sa ibang
bansa.
Iba pang Kaganapan
Kasabay
ng Japan Content Showcase 2014 ay ang Tokyo International Music Market kung
saan nagpakitang-gilas ang ilan sa mga bagong Japanese artists sa kanilang mga
live performances, at ang Tokyo International Film Festival na siyang nagtampok
sa mga pelikula mula sa iba’t ibang panig ng mundo kabilang na ang tatlong
entries mula sa Pilipinas.
Kasabay
nang mabilis na pagbabago sa kalidad at nilalaman ng mga pelikula, TV show at
musika mula sa Japan at sa iba pang bansa na pumapasok sa Pilipinas, mabilis
din na nagbabago ang impluwensiya ng bawat bansang nagbebenta at bumibili ng
kanilang mga content mula sa isa’t isa. Naging saksi ang Japan Content Showcase
2014 sa lumalaking bahagi ng Southeast Asian market sa malayang pagpapalitan ng
produkto at kultura sa bahaging ito ng Asya at siguradong patuloy pa itong
magiging saksi sa mga susunod pang taon.
Wednesday, December 10, 2014
Ang Ika-50 Taon ng Inter BEE: Tanda ng Isang Bagong Kabanata sa Industriya ng Broadcasting
***published in the December Issue of Pinoy Gazette
Tuwing nanunuod ako ng maaksyong
mga pelikula tulad ng Rurouni Kenshin at Lupin III, hindi ko mapigilang
mag-isip kung paano kinukuhanan ang mga kumplikadong eksena tulad ng mga fight
scenes at explosions. Ang sarap panuorin mga ganito, makapigil-hininga, pero
siguradong nangailangan ito ng mga makabagong kagamitan at bihasang mga tao para
makuhanan sa tamang anggulo at timing ang ganitong mga eksenang mahirap nang
itake-2. Nasagot ang mga maliliit na tanong sa isip ko nang dumalo ako sa
International Broadcast Equipment Exhibit (o mas kilala sa tawag na Inter BEE)
sa Makuhari Messe. Ginanap ito sa loob ng tatlong araw mula Nobyembre 18-20,
2014. Ito ang ika-50 taon na ginanap ang exhibit na ito.
Ang Simula ng Inter BEE
Taong
1964 nang unang itanghal ang Inter BEE sa Tokyo. Kagaya ng nakaraang 49 na taon,
hindi binigo ng Inter BEE ang halos mahigit 30,000 taong dumalo sa exhibit ngayong
taon upang makita ang pinakamakabagong modelo ng iban’t-ibang equipment na
gamit sa industriya ng broadcasting tulad ng mga cameras, HDTV, satellites, speakers,
generators at iba pa na ipinakita ng mahigit na 900 kumpanya kung saan 536 ay
nagmula pa sa ibang panig ng mundo. Sa kasalukuyan, kinikilala ang Inter BEE
bilang ia sa tatlong pinakamalaking broadcast equipment exhibit sa mundo kasama
ng NAB sa Estados Unidos at IBC sa Europa.
Mga Makabagong Cameras on
Display
Punong-puno ang anim na
hall sa Makuhari Messe ng mga booth ng exhibitors. Maaari ring subukang gamitin
ang mga nakadisplay na produkto kaya hindi namin pinalagpas ang pagkakataon na
paglaruan ang mga camera at malaman kung paano finofocus at zinu-zoom sa mukha
ng artista ang mga camera. Sinubukan din naming itaas, ibaba, paikutin at
pagalawin ang mga ito. Nakakamangha ang galing ng mga camera, konting galaw at
pindot lang ay gagawin nito ang ano mang gusto mo – zoom, pan, tilt, dolly,
pedestal, truck. Mayroon ding mga on-site actors ang mga booth na hindi
tumitigal sa paggalaw – may naka-bunny costume na nagpapaikot ng roleta na
parang nasa casino, mayroong nag-ji-gymnastics at nag-eexercise, mga babaeong
nakagown at nagkukuwentuhan sa isang bar set-up at isang magandang babaeng
nakakimono na nagbabasa sa loob ng bahay. Nandoon sila sa mga booth para
pagpraktisan ng mga camera techniques kung gusto ng mga customer na subukan ang
mga camera on display. Siyempre
hindi rin namin pinalagpas na magfeeling artista sa harap ng camera. Tumayo kami sa harap ng green screen at kumaway-kaway sa camera.
Kung titingnan ang kuha ng camera sa TV, ang green screen sa likod namin ay
napalitan ng isang malaking aquarium kung saan may mga makukulay na isda na
lumangoy-langoy!
Ilan sa mga equipement na nakadisplay ay
ang:
·
Ericsson TV Anywhere – maaaring
nang irecord ang mga paborito mong TV program at panuorin ng paulit-ulit sa
smartphone o tablet. Kakaiba ang serbisyong ito dahil hatid ito ng isang
telecommunications equipment company at ang pagrerecord ng programa ay ginagawa
sa cable company mismo. Hindi lamang mga bagong programa ang pwedeng irecord
kung hindi pati na rin ang mga naipalabas na noon.
·
Panasonic VariCam 35 4K camera
recorder – mayroon itong built-in na 35mm single panel MOS at dahil mataas ang
sensitivity nito sa ilaw, kaya nitong kumuha ng malilinaw na eksena kahit
madilim. Madali ring i-adjust ang kulay ng nakuhanan dahil sa in-camera grading
function nito. Dahil sa 4k/HD compatibility nito, ideal itong gamitin para sa
pagkuha ng mga dramang pantelebisyon.
·
Attain SSP Series Teleprompter
– maaari itong ikabit sa camera tripod upang magamit habang nagrerecord ng
video. Gamit ang half mirror na nakatapat sa harap ng camera lens, maaaring
mabasa ng nagrerecord ang mga linyang nakasulat sa teleprompter habang
nakatingin sa camera. Mayroong apat na mode na maaaring pagpilian ang mga
gagamit nito: ikabit sa stand, ilagay sa taas ng nagbabasa, ilapag sa sahig o
gamitin ng naka-standard mode.
·
JVC Kenwood GY- LS300 – isang
handheld na camera recorder na mayroong detachable helicopter minicam na
maaaring gamitin for aerial shots.
·
Sony PXW- FS 7 – Maliit man ito
at madaling dalhin, hindi pa rin nagkulang ang mga features ng camera na ito.
Mayroon itong built-in single panel CMOS at 8.8 million pixels. Madali rin itong palitan ng lens kung outdoor
ang shoot at laging on the go ang gumagamit nito.
Mga Aabangan sa Industriya
ng Broadcasting
Nagkaroon din ng
iba’t-ibang forum sa loob ng tatlong araw ng exhibit. Nagbigay ng iba’t-ibang
makabuluhang keynote speeches ang ilan sa mga mahahalagang tao sa industriya.
Isa na rito ang Chief of Engineering ng Japan Broadcasting Company na si Senior
Director Yasuto Hamada na tinalakay ang mga upcoming innovation sa industriya ng
broadcasting at media services. Ipinaliwanag niya na noong nakaraang taon lamang
ay ni-launch ng NHK ang Hybridcast, isang technique kung saan pinagsama ang
broadcast and broadband services. Sinabi
rin niya na matagal nang pinag-aaralan ng NHK ang paggamit ng 8K super hi-vision
broadcasts na malapit na nilang i-test.
50th
Anniversary Live Party
Pagkatapos naming
mag-ikot sa loob ng exhibit ay dumalo rin kami sa after party kung saan
mayroong mga hinandang mga kamangha-manghang pagtatanghal para i-showcase
kakayahan ng mga sound, video and lighting equipment. Isa sa mga ito ay
interpretative dance na ginamitan ng mga lumilipad na remote-controlled lights
upang ilawan ang babaeng sumasayaw. Sinusundan siya ng mga lumilipad na ilaw at
nakakagawa ito ng magandang anino sa dingding sa kanyang likuran.
Ilang araw
makalipas ang pagpunta ko sa Inter Bee 2015, hindi pa rin matapos-tapos ang
pagkamangha ko sa mga nakitang bagong gadget. Kaya ngayon, mas excited na kong
manuod ng action movies dahil alam kong maraming makabagong innovation ang
paparating na mas magpapatingkad pa ng shooting techniques. Mapapangiti rin ako
tuwing maaalala na minsan kong na rin nasubukang gumamit ng mga camerang
ginagamit sa pagkuha ng mga iyon.
Subscribe to:
Posts (Atom)
Translate
About the Author
- imcapitalbarbie
- Tokyo, Japan
- I am living my dreams everyday in my overlapping world of fantasy and reality; in love with tokyo and will forever be in love with the tokyo tower, discovered my new love for the sun, the sand and the waves; love pedestrian lanes and enjoy crossing them; treasure old photographs and memories; want to learn how to play the violin; always challenge myself to try new things; dream of publishing a book; adore taking photos of clouds; want to work for the greater good of humanity; hope to inspire others with my simple stories; recede in my own world when I listen to jazz; scared to ride a ferris wheel but in love with the idea of riding it; daydream as often as I breathe; live a life of traveling, dreaming, believing. Love to live, Live to love.
Popular Posts
-
A Forrest Full of Charm: A Review of the First Ever Stage Adaptation of Forrest Gump
-
China House Keikarou: Aiba Mama's Restaurant
-
In the Footsteps of Haruki Murakami: The Old Blind Cat
-
A Peek Inside Japan’s Center of Power: The National Diet Building
-
A Traditional Japanese Tea House at the Foot of Kinkazan, Gifu
-
Mga Kwentong Katatakutan sa Japan
-
Finding English Books in Jimbocho
-
Living in Haruki Murakami's World: Walking Tour in Shinjuku
-
Exploring Gifu Castle
-
Blood Ceilings at Genkoan Temple
Categories
travels
(54)
travelsjapan
(48)
everydaytokyo
(32)
randomthoughts
(24)
idiosyncracies
(21)
food
(17)
restaurants
(16)
japantravels
(11)
Cafes
(10)
japan
(10)
japan travels
(9)
travelstokyo
(9)
tokyotravels
(8)
Japanese Government Scholarship
(6)
asia travels
(6)
scholarships abroad
(6)
study in Japan
(6)
saitama
(5)
Monbukagakusho
(4)
Monbusho
(4)
how to get a scholarship
(4)
how to study in Japan
(4)
study abroad
(4)
Government of Japan
(3)
kanagawa
(3)
Arashi
(2)
Japan Winter
(2)
Yomiuri Giants
(2)
tokyo travels
(2)
waseda university
(2)
monbukagakusho study ajavascript:void(0);broad
(1)
tokyo tower
(1)










